Twenty Nine

5 1 0
                                    


Kenjie's POV

"K-kenjie?"gulat niyang sabi nang magkasalubong kami sa hallway ng banyo.



"Kamusta?" ramdam ko ang ilang sa boses niya.



Agad ko naman pinag-aralan ang kabuuan niya.



Mas tumangkad siya, medyo humaba ng kaunti ang buhok niya, at mas kaya na niyang magdala ng magagarang damit ngayon kesa noon. Ibang-iba na siya sa Gabby na kilala ko noon.



Tsk! Limang taon ba namang nawala eh.



"Ayos naman, ikaw?' kaswal na sabi ko.



"Ayos lang din, congrats nga pala. Balita ko ikaw yung Engineer nung mga bagong building dito sa BSU ha?" kalmadong sabi niya.



"Ah yeah, eh ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanong ko naman.



Nararamdaman kong kinakabahan siya, gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya pero hindi ko magawa.



"Architect na ko," napangiti ako ng tipid dahil sa sinabi niya.



Naalala ko lang dati na sobrang gusto niya maging Architect, at ngayong natupad na niya yon, ang saya lang sa pakiramdam.



Teka? Bakit masaya eh iniwan ka nga.



"Finally Kenjie, kanina pa kita hinahanap-" natigilan si Mia nang makita si Gabby sa harap namin.



"Gabby? Gabby!" agad siyang lumapit at yumakap kay Gabby. "How are you? Long time, no see ah,"



"I'm good, ikaw kamusta?" balik niya kay Mia.



"Well eto, certified fashion designer na," proud na sabi ni Mia.



"Wow congrats," sabi naman ni Gabby. "So nagkabalikan na pala kayo ulit?"



Agad nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Gabby na yon.



"Ah hindi-"



"Hindi pa," napalingon sa'kin si Mia dahil sa sinabi ko. "Hindi pa kasi pumapayag si Mia eh,"



Nakita ko ang bahagyang panlulumo ni Gabby. Dumaan ang lungkot sa mga mata niya.



"Hi Dion," napalingon naman ako kay Dion na kakagaling lang sa labas.



"Oh hi," bumeso pa siya kay Mia. "Bro, kamusta?" bumaling naman siya sa'kin.



"Ayos naman," sagot ko na lang.



"Uhm guys, the event was about to start na, let's go outside na," anyaya ni Mia kaya naman lumabas na kami.



Hindi ko alam kung alam na ni Athena na andito na ang best friend niya o hindi pa. Tiyak na OA na naman ang irereact non kapag hindi pa niya alam na andito na si Gabby.



Hindi na ako nagulat nang makita ko si Gabby kanina dahil alam kong darating siya. Ka-table ko siya at nandon ang pangalan niya.



Arch. Gabriela Salazar



Nang makaupo na kami don ay hindi naman gaanong nagulat si Athena nang makita niya si Gabby.



Nagyakapan lang sila saglit at tsaka umayos ng upo.



"Good evening everyone, it's been a while since huli ko kayong nakita," Mrs. Galvez said, she still the Principal here. Pero ang dinig ko ay last year na to at magreretiro na siya, may katandaan na rin naman kasi siya.



"I'm so glad na nakarating kayo lahat sa ating Alumni, and of course our Valedictorian and Salutatorian are here, thank you for coming. Thank you for visiting your alma mater," masayang sabi ni Mrs. Galvez. "We'll gonna play a video, some memories of your high school life,"



May nag-play nga sa scree projector sa harap. It was the compilation of some pictures and videos here in our school.



May nakakatawa, may nakakaiyak.



Nang matapos na ang video ay rinig na rinig ang ilang iyakan ng mga tao. The video gave us a roller coaster of emotion.



"Now let us call the one of the Best Engineer, Mr. Ethan Kenjie Menchavez," nagpalakpakan ang mga tao nang tawagin ang pangalan ko.



Umakyat ako sa stage para kunin ang trophy ko.



Pagkatapos ng picture taking ay bumaba na ako at bumalik sa upuan.



Ilan lang ang natawag sa amin, at halos lahat ata kami ng mga kaibigan ko ay natawag.



Nang matapos ang event ay nagpaalaman na kami sa iba naming kasama.



"Punta ka sa bahay bukas, tiyak na matutuwa si Mommy kapag nalaman niyang nandito ka na," anyaya ni Athena sa best friend niya, nasa parking lot kasi kami ngayon.



"Sige, tatawag na lang ako sa'yo," sagot naman ni Gabby.



"Okay, see you tomorrow." bumeso pa siya. "I really missed you bes,"



"Ako rin, sige mag-ingat kayo pauwi ha, bye," yumakap din siya kila Doms at Miguel.



Nauna nang umalis si Athena at Doms, tiyak na magde-date pa ang dalawa na yon. Pagka-graduate kasi namin ay nagkatuluyan na ang dalawang yon, hindi naman ako tutol kay Doms para sa kapatid ko. Alam ko naman na hindi siya gagawa ng ikakasakit ni Athena.



Sumunod naman si Miguel at Mia, at habang si Dion at Gabby ay nag-gagayak na umalis.



"Bro, mauna na kami," tinanguan ko lang sila at ngumiti ng tipid.



Nang magtama ang tingin namin ni Gabby ay tinanguan ko lang siya at tsaka ako umiwas ng tingin.



Pagkadating sa bahay at pagkahiga sa kama ay don lang nag sink in sa'kin lahat.



Ang pagbabalik niya, ang muli naming pagkikita. Naramdaman ko na namasa ang mata ko kaya agad ko iyong pinunasan.



Bumabalik na naman lahat ng sakit, akala ko okay na ko. Akala ko wala ng epekto kapag nagkita ulit kami, pero bakit ganito yung nararamdaman ko?



Hindi ko alam kung ano ang mananaig sa puso ko, galit ba o sakit?



Hindi ko na rin alam, hangga't maaari ayoko nang mapalapit sa kaniya o ni makita ang anino niya dahil parang winawasak lang ulit ang puso ko.



Tangina, alam niya na takot akong maiwan pero bakit ginawa niya.



:<<<<<

Broken TrustWhere stories live. Discover now