Five

14 2 0
                                    


Gabby's POV

"Asa ka!" sigaw ko sa mukha ni Kenjie pagkatapos na naman nyang bumanat sa harap ko.



Naiinis ako, sobra. Napakakulit nya, akala ko pa naman ay tatantanan na nya ko matapos nyang mapahiya kahapon. Naiirita kasi ako sa ingay nya, sa mga banat nya. Wala akong oras sa pag ibig na yan, distraction lang yan e.



Nakita ko pa ang malaking ngisi sa mukha nya kaya tinulak ko sya dahil masyado syang malapit. Inirapan ko sya at tsaka tatalikod na sana nang magsalita na naman sya.



"Think about it Gabby, alam kong nakukulitan ka na sakin," buti naman at alam mo. "Pero kung yung paraan na yon yung makakapag pag oo sayo e, why not?" napairap ako bigla ay ngumisi na naman sya na parang baliw.



Hindi na ko sumagot pa dahil naiinis na talaga ako, dumiretso na ako sa classroom dahil mag sstart na ang klase, nadatnan ko na rin si Athena na nakaupo.



"Bes bakit ngayon ka lang?" tanong nya.



"Yung kapatid mo," sabi ko sabay upo sa silya. "Sinisira na naman yung araw ko," napabuntong hininga tuloy ako sa inis. Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko para tumigil sya sa kakulitan nya.



"Ano na namang ginawa nya?" takang tanong nya.



"Bumabanat na naman sya ng kung ano ano sa harap mismo ng mukha ko," inis na sabi ko at natawa naman sya. "Bakit ka tumatawa?"



"Wala, sobrang consistent lang kasi ni Kenj, bakit kasi hindi mo na lang bigyan ng pag asa yung kapatid ko," inirapan ko sya. Pati ba naman sya aasarin ako?



"Athena, alam mo namang ayoko ng lalaki, allergic ako sa lalaki," sabi ko.



"Mukha naman kasing seryoso sya, iniyakan ka nga nun kagabi e," bigla ay nagtaka ako sa sinabi nya.



Kaya ba namamaga yung mata nya? Psh, bakit naman nya ko iiyakan?



"Hu, ilusyon mo lang yon," sabi ko.



"But seriously bes, seryoso sya, in fact ako yung dahilan kung bakit pink yung suot nya kahapon, at kung bakit pink lahat ng surprise nya sayo-"



"Ikaw ang nagsabi na pink ang paborito ko?" pagputol ko sa kanya. Kaya naman pala ganon na lang ang trip ng mokong na yon. Nagtataka kasi ako kung bakit pink ang pinaka theme nung surprise nya kahapon, pati yung suot nya pink. Lahat pink.



"Oo, kasi akala ko rin nung una na baka trip ka lang din nya pero nung nagkausap kami-"



"At naniwala ka naman?" I cut her off again. "We both know na playboy ang kapatid mo Athena," seryosong sabi ko.



Broken TrustWhere stories live. Discover now