Kenjie's POV"Not a big deal? Eh kaya pala kung ano-anong ginawa mo nung umalis-"
"Can we just not talk about her? It's our family time. We should focus on us, not in anyone else," I said.
Ayoko siyang pag-usapan. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko siyang pag-usapan. Maybe it's not the right time and right place to talk about her.
Pagkatapos ng sinabi ko ay hindi na nga nila binanggit si Gabby.
Masaya kaming nagkwentuhan at nag-inuman. Nalasing si Doms kaya dito na siya pinatulog ni Mommy, ako naman ay tamang pampa-antok lang.
Kinabukasan ay maaga akong gumising kaya masakit ang ulo ko. Puyat at hangover to kaya ganito.
Uminom muna ako ng tubig na nakalagay sa side table ko at tsaka ako dumiretso sa banyo para maligo.
I just wore my usual attire, long sleeves and black slacks. Binitbit ko rin ang hard hat ko dahil pupunta kami sa site ngayon after kong makita ang final design ng bahay.
Pagkababa ko ay nag-aalmusal na sila, including Manang.
"Anak kain na," Mommy said.
I sat down beside Dion. Kumuha lang ako ng bacon, fried egg at tsaka tinapay. I don't usually eat rice sa umaga.
Pagkatapos ko ay nag-paalam na ako at tsaka umalis ng bahay.
Habang nag-mamaneho ako ay biglang tumawag si Monica.
Buti na lang at traffic kaya sinagot ko ito.
"Hello?" sabi ko.
"Good morning Engineer Menchavez!" agad kong nilayo ang cellphone ko sa tenga ko sa lakas ng boses niya.
"Anong good sa morning kung ganyang kalakas ng boses ang babati sakin? Muntik na mabasag eardrums ko," masungit na sabi ko.
"Ang sungit mo naman! Binabati lang naman kita eh," nag-baby talk pa siya.
"Bakit ka nga tumawag?"
"Wala lang, gusto ko lang sabihin sa'yo na pinakita na sa'kin ni Gabby yung final design. Ang ganda! Grabe she's really good!" hindi ko alam kung bakit ako nangingiti.
Siguro ay masaya lang ako na marinig sa iba na magaling si Gabby, sobrang proud ako sa kanya. Eto kasi talaga ang pangarap niya.
"Iche-check ko pa rin yon, kapag hindi ko yon nagustuhan ipapaulit ko sa kanya yon." sabi ko naman.
"Hoy grabe ka! Maganda naman yung design, papahirapan mo la yung tao. Parang hindi mo naman siya minahal," panunukso niya.
"Shut up," mariing sagot ko naman.
Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.