Gabby's POVKinabukasan ay maaga akong sinundo ni Kenjie dahil gusto niya na mag-breakfast kami sa labas, yung kaming dalawa lang.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa'kin habang nasa biyahe.
"Kahit saan, kung saan mo gusto," sagot ko naman.
Natawa siya kaya naman kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Bakit?" takang tanong ko.
"Nothing, it's just that hindi ka talaga marunong mag desisyon no?" natatawa pa ring tanong niya.
"Hindi naman, ang gusto ko lang kasi ay kung saan mo gusto. Kahit saan mo naman ako dalhin okay lang sa'kin," nakangiting sabi ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot at nginitian na lang ako, hanggang sa makarating kami sa isang restaurant kung saan bentang benta ang steak.
Maganda ang ambience ng restaurant, tahimik lang, masyado nga lang romantic ang dating para sa'kin.
Dumiretso kami sa table for two, at tsaka umorder.
🌼🌼🌼
"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Kenjie habang naglalakad kami.
Maraming mata ang nakatuon sa amin, hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng ilang.
"Oo, ayos lang ako," I smiled at him just to assure that I'm okay.
Hinatid muna niya ako sa room namin kung saan naroon na si Athena.
"Good morning bes," lumapit sa'kin si Athena para yakapin ako.
"Morning," nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Hmm, saan kayo galing ni Kenj?" she smirked.
"Kumain lang," sabi ko naman at tsaka umupo sa upuan ko.
"Uy nagdadalaga na siya," bigla ay tinukso niya ako.
I tsked. "Anong nagdadalaga? Baliw," sagot ko naman.
"Can I ask you something?" she ignored my question.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Do you already like him?" she asked.
Hindi ko na kailangan tanungin kung sino dahil alam ko na.

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.