Kenjie's POV
"Why do you ask?" Gabby asked when I asked her if hmshe already eat breakfast.
Kahit ako ay nagulat nang bigla kong itanong sa kanya iyon! Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko nasabi yon, nabigla ako.
"N-nothing, si Arch. Leni kasi pinapatanong niya, baka daw gusto mo sumabay?" yon naman ang totoo.
Napatango-tango naman siya, habang inaayos ang folder na bigay ko.
"Gabby, tara breakfast tayo," sabay kaming napalingon sa may pinto nang biglang pumasok si Architect Leni. Nakahinga naman ako nang maluwag.
Nag-ayos lang ng konti si Gabby at tsaka kami lumabas. Sa KFC lang kami kumain malapit sa may firm, napatitig ako kay Gabby na ngayon ay sinasabaw ang gravy sa kanin niya.
Napangiti ako nang maalala ko yung mga times na kumakain kami, sa mga fastfood kagaya ng Jollibee at KFC, lagi niyang sinasabaw ang gravy sa kanin niya.
Favorite talaga niya ang gravy, hindi ko naman siya masisisi dahil masarap naman kasi talaga.
Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ay agad akong nag-iwas ng tingin, kunyari akong naglingap. Narinig ko naman ang mahinang niyang pagtawa at tsaka nagpatuloy kumain.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na agad kami sa firm.
Pagkadating ko sa office ko ay naupo muna ako sa swivel chair ko at nagpahalumbaba.
She changed a lot. The way she talk, the way she walk. Sobrang casual niya na ngayon, hindi na siya kagaya dati na ayaw sa atensyon ng tao. Well hanggang ngayon din naman, medyo nagkaroon lang siya ng ibang kaibigan.
Napatigil ako sa pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot nang makitang si Monica ang tumatawag.
"Hello?" sabi niya sa kabilang linya.
"Why?" sagot ko naman.
"How are you?" tanong niya. "How's Gabby?" hindi pa nga ako nakakasagot sa unang tanong niya ay agad na niya itong dinagdagan!
"Why do you asked her? I mean, hindi naman talaga kayo magkakilala," inis kunwaring sabi ko.
"Why?" natatawang sagot niya. "Masama ba kung kamustahin ko yung Architect ng pinapagawa kong bahay na technically na bahay mo naman talaga?" dagdag niya at mas lalong natawa.
"Don't you dare tell her that," mariing sabi ko at narinig ko na mas lalong lumakas ang tawa niya.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin sa kaniya?" tanong niya.
"Hindi ko alam, basta ayoko munang sabihin sa kaniya. Tsaka hindi naman niya dapat malaman," sagot ko naman.
Monica is one of my ex-fling, we met at the bar once, bago matapos ang relasyon namin ni Gabby. Don nagsimula ang lahat, naging fubu din kami for five months. And now we're friends, ugh so weird, right?
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.