Thirty

4 1 0
                                    


Kenjie's POV

Kinabukasan maaga akong gumising para mag jogging, nagsuot lang ako ng white sleeveless shirt at tsaka black na sweatpants.



Dito lang din ako sa village namin nag-jogging para hindi na ako lumayo.



Napatigil lang ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, agad ko namang sinagot yon nang makita si Doms ang tumatawag.



"What's up bro?" nahimigan ko agad ang pang-aasar sa tono ng pananalita niya.



"Ano na namang kailangan mo, ang aga-aga," masungit na sabi ko.



"Ay ang sungit ha? Porket bumalik si Gabby ganyan ka na," sabi ko na at si Gabby ang gusto niyang pag-usapan.



"Pwede ba, kung wala ka namang sasabihing matino huwag ka nang tumawag," inis kunwaring sabi ko.



"Chill ka lang bro, gusto lang naman kitang tanungin kung ano yung naramdaman mo nung magkita ulit kayo?" pang-aasar pa niya.



"Wala," sabi ko at tsaka pinatay yung tawag.



Wala namang kwenta ang ipagtatatanong niya sa akin at ayokong pag-usapan si Gabby.



Nang matapos akong mag jogging ay bumalik na ako sa bahay at nadatnan si Manang na nagluluto ng agahan.



"Nako, halika nga rito at pupunasan ko ang pawis mo," bigla ay lumapit sa akin si Manang para nga punasan ang pawis ko.



"Manang, kaya ko na po," sabi ko naman dahil naiilang na akong gawin niya sa'kin to.



Natawa naman siya at hininto ang ginagawa, ako na ang nagpunas ng sarili ko.



Pumanhik muna ako sa kwarto ko para makaligo dahil ang init. Pagkatapos ko maligo ay nakatanggap ako ng text mula sa head namin sa Engineering Department.



From: Engr. Samuel Forte

I need you to my office tomorrow. 8 AM.



Agad na napakunot ang noo ko sa nabasa.



To: Engr. Samuel Forte

May I ask why? Akala ko po ay site visiting lang ako bukas?



Ang alam ko kasi ay magsa-site visit lang ako bukas, pagkatapos ay pwede na ako umuwi.



From: Engr. Samuel Forte

I have an important announcement.



I sighed and then I just reply 'okay'.




Binuksan ko ang maliit kong speaker at tsaka humiga sa kama.



Lagi na lang, ganito,
Isipan ay, gulong-gulo.
Lagi na lang, nabibigo,
Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso.



I scoffed when I heard the song.



Kailan kaya muling makakatawa,
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip.



Broken TrustWhere stories live. Discover now