Kenjie's POV
Inaantok pa ako nung bumaba ako dahil may nagdodoorbell, walang tao sa bahay kung hindi ako lang dahil umalis sila Mommy kasama ang mga kasambahay namin.
Naghilamos muna ako at tsaka dumiretso sa gate para tingnan kung sino ito.
"Good afternoon Kenjie," nakangiting si Mia ang bumungad sa'kin pagkabukas ko ng gate.
"Pasok ka," sabi ko at tsaka kami pumasok sa loob ng bahay.
"Nasan sila Tita?" tanong niya nang mapagtantunan na walang tao.
"Umalis eh, may inaasikaso," sabi ko tsaka kumuha ng tubig sa ref.
"Sayang naman, wrong timing pala ang pag bisita ko," kunwaring malungkot na sabi niya.
Nuon ko lang din napansin na may dala pala siyang cake.
"Ahm sige, pakisabi na lang kay Tita dumaan ako-"
"You can stay, wala rin naman akong kasama eh," I cut her off at nakita ko ang gulat na bumalatay sa mukha niya.
Hinain ko ang cake na dala niya at tsaka ako naglabas ng juice. Sa garden kami naka pwesto dahil mas presko ang hangin dito.
"So kamusta ka? Bakit ikaw lang ang naiwan dito?" tanong niya habang kumakain ng cake.
"Hindi naman ako interesado sa pupuntahan nila eh," sabi ko na lang.
Wala talaga akong idea sa pinuntahan nila Mommy, ang dinig ko ay inaasikaso na ata nila yung para sa birthday ni Alfred.
"Can I ask you something?" tanong ko.
She nodded. "Yeah sure,"
"Bakit ka ba talaga bumalik dito?" seryosong tanong ko at natigilan siya.
She cleared her throat before answering. "Well actually, ikaw talaga yung dahilan kung bakit ako bumalik," she said.
"Bakit?" I asked.
"Akala ko kasi maaayos ko pa yung sa'tin eh, kaso mukhang malabo na," natawa siya sa huli niyang sinabi. "Lalo na ngayon, may iba ka ng gusto," she added that makes my brows furrowed.
"Do you really like her?" she asked. "I mean, is it obvious anyway, you used to look at me like that before," she chuckled.
She was pertaining Gabby, napangiti naman ako dahil nagagawa niya pang tawanan ang mga sinasabi niya kahit na ang totoo nasasaktan siya.
"Ang awkward ah," biro ko at pareho naman kaming natawa.
"Well it's fine with me, I'm happy that she's making you happy," she sincerely said, and I smiled at her.
"Thank you," I replied. "I hope you find someone who deserves you, and I think I'm not that guy," biro ko ulit.
Hindi na rin siya nagtagal at umuwi na rin siya dahil may gagawin pa rin naman daw siya.
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.
