Gabby's POV"Tara don," biglang anyaya ni Kenjie dahil sa awkward situation namin ngayon.
Hinila niya ako at pumasok kami don sa maliit na kwarto para magpicture.
Isa siyang photo booth, may maliit na camera sa harap at sa katabi noon ay may maliit na screen kung saan makikita yung itsura niyo during the shooting.
Masiyadong maliit yung kwarto at sakto lang sa pang dalawahang tao, kaya naman ramdam na ramdam ko ang balat niya sa balat ko.
Pinindot na niya yung start button kaya naman nag-umpisa na kaming tumingin sa camera. Ayoko naman talaga ng ganto, wala na lang talaga akong nagawa dahil hinila niya ako dito.
Nang matapos na kami doon ay pumunta na kami sa book store para bilhin yung libro na gusto kong bilhin.
"Anong libro ba yung bibilhin mo?" tanong sa'kin ni Kenjie habang papunta kami kung san nakalagay yung libro.
"Eto," sabi ko sabay pakita sa kanya nung libro na noon ko pa gustong bilhin.
Limited edition lang kasi ang meron nito, libro to tungkol sa pagiging architect, at yung author mismo ng librong to yung sikat na architect sa ibang bansa. Nakalagay lahat sa librong to yung mga tips niya kung paano maging isang magaling na architect.
"Mag-aarchitect ka?" sa tono ng pananalita niya ay halatang nagulat siya.
"Oo, bakit?" sabi ko at tsaka dumiretso sa counter para bayaran yung libro.
"Mag-eengineer naman ako," masayang sabi niya. "Sakto, para kapag ginawa na nating yung future house natin, ikaw yung architect ako yung engineer," napatingin naman ako sa paligid dahil pinag-titinginan na kami ng mga tao. Nakakahiya!
Hindi ko na siya pinansin, dumiretso na ako sa counter dahil ako na yung magbabayad.
"Baka naman pati ito ikaw pa ang magbayad?" sarkastikong sabi ko.
"Sana, pero sige ikaw na," sabi niya at nagkamot pa ng ulo.
🌼🌼🌼
"Good morning everyone, I'm here to announce that we will be having a J. S Prom," sabi ng adviser namin kaya naman agad na gumawa ng ingay ang mga kaklase ko, pati si Athena ay napatili.
"This will happen next week, so guys be ready. Lalo na yung mga kalalakihan, chance niyo na 'to para maka-date at maisayaw ang mga babaeng gusto niyo, so bigay niyo na ang best niyo para mapa-oo niyo sila," pagkatapos sabihin yon ay lumabas na siya.
Agad namang namuo ang ingay sa paligid, nagkokongklusyon kung sino ang mga pwede nilang yayain at kung sino ang pwedeng yumaya sa kanila.
"Sino kaya yung yayayain ni Dion? Sana ako na lang," sabi ng isa kong kaklase.
"Eh si Doms kaya? Sino kaya yayayain niya?" sagot naman nung isa.
"Ano ka ba, halata namang si Athena yung yayayain non maging date, crush niya kaya yon," sabi naman nung isa.
"Sa bagay, sayang naman ang cute pa naman niya," malungkot na sabi pa niya. "Eh si Miguel na lang kaya? Sigurado naman akong wala siyang girlfriend dito sa school,"
Sa pagkakaalam ko ay may girlfriend si Miguel, kaso nasa ibang bansa. Naririnig ko lang yung usapan nila Kenjie kapag magkakasama kami.
"Si Kenjie kaya? Tiyak si Lorraine yung yayayain non, diba matagal na sila?" aniya.
"Loka! Ang alam ko hindi naging sila, parang naging rumor lang yon dito sa school kasi palagi silang magkasama," sagot naman nung isa. "Ah si Gabby! Si Gabby yung nililigawan ni Kenjie ngayon, well mabait naman si Gabby weird lang," malakas na sabi niya na parang wala ako sa paligid nila.
Hindi ko kilala kung sino yung sinasabi nilang Lorraine, at wala naman akong pakialam. Hindi ko na iyon pinansin at nagbasa na lang ako ng libro.
Alam ko naman na ako tiyak yung yayayain ni Kenjie, pero ayoko, hindi naman ako mahilig sa mga ganitong party.
Lunch Break.
"Gabby," napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako ni Dion, taka lang akong tumingin sa kaniya. "Can you be my date?"
"Hindi naman ako aattend," sabi ko at tsaka nagtuloy sa paglalakad pero hinarang ulit niya ko.
"W-why? I mean last year na natin to for being high school, ayaw mo ba ienjoy?" he asked.
"I'm not into parties, and you know that," medyo inis na sabi ko.
"Yeah I know but, it can make a lot of memories," ang kulit talaga niya!
"Well then if that's the case, I don't want to make bad memories again with you," inirapan ko siya pagkasabi ko non at tsaka ako dumiretso sa cafeteria.
Naabutan ko naman na sila Athena doon, mukhang hinihintay ako.
"Hey Gabby, did you hear the news?" agad na salubong sa'kin ni Kenjie pagkaupo ko, tumango naman ako. "So ikaw na ang date ko-"
"Hindi daw siya aattend," nagulat ako sa sinabi ni Dion, maging ang mga kasama ko ay nagulat rin.
"Sino naman nagsabi?" medyo inis na tanong ni Kenjie.
"Siya, I asked her earlier if she can be my date pero ang sabi niya ay hindi siya aattend," I tsked.
"Is true Gabby?" tanong ni Athena sa'kin.
"No, aattend ako," sabi ko na ikinabigla ni Dion.
"Pero ang sabi mo kanina-"
"Nagbago na yung isip ko, may point ka, last year naman na to, so bakit nga naman hindi ako gumawa ng good memories, right?"
:>>>>>
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.