Gabby's POVAgad na namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. He's in pain right now, at dahil yon sa akin! I hurt him! A lot of times.
"Kenjie-"
"Five years Gabby," unti-unti na ring nababasag ang boses niya. "Five years kang nawala, pero sa five years na yon wala man lang 'hi'? Or 'hello'?"
Ang bigat. Ang bigat-bigat sa pakiramdam na nakikita siyang nasasaktan ngayon, but I understand him. I left him. With no goodbyes.
Leaving him is his biggest fear, alam ko yon. Pero kahit alam ko na masasaktan ko siya sa gagawin ko, ginawa ko pa rin. Iniwan ko pa rin siya.
"Kenjie I'm sorry," pilit kong pinipigilan ang emosyon ko.
"Loosing you is my biggest fear, diba sabi natin kapag may problema sasabihin natin sa isa't-isa?" tuluyan nang nabasag ang boses niya, kasabay non ay ang pagbagsak ng mga luha niya na matagal na niyang pinipigilan. "Tell me!"
"Kenjie natakot ako," nag-umpisa na ring magbagsakan ang mga luha ko.
"Did you expect me to believe that? Sa tapang mong yan?" umiiyak na sabi niya.
"Maniwala ka, natakot talaga ako." hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pagpapaliwanag ko sa kanya. "Natakot ako na...na baka dumating ulit yung araw na masaktan mo ko,"
"That's bullshit Gabby!" sigaw niya. "Nang dahil lang don? Iniwan mo ko?"
"Oo! Kung sa tingin mo mababaw yung dahilan ko, oo. Pero para sa'kin, it's big deal. Ayoko na ulit maranasan yung sakit na naranasan ko noon," sagot ko.
Hindi ko alam kung may nakakarinig na ba sa amin sa labas dahil kanina pa kami nagsisigawan dito.
"Natakot ka na baka masaktan kita, pero naisip mo ba yung sakit na idudulot non sakin nung iniwan mo ko?" his voice broke.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot. All I want now is to apologize to him over and over again, until his pain and bruises gone.
"Yung sakit na ayaw mong maramdaman, ayoko ring maramdaman yon Gabby." I saw the pain and the anger on his eyes.
"Buti pa sila Athena no, nasabi mo na aalis ka? Pero ako na boyfriend mo hindi mo sinabi sakin?" mahinahon pero ramdam ko ang galit niya.
"Hindi ko kasi alam kung paano kong sasabihin sa'yo," sagot ko. "Kaya mas pinili ko na lang umalis nang hindi mo nalalaman, I know you're mad at me. I know you hates me, and I understand that,"
"Ilang linggo nila akong hindi makausap simula nang iwan mo ko. Halos lumuhod na nga ako kay Athena at Mommy para lang sabihin nila kung nasaan ka," I wish I could carry the pain he were feeling right now.

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.