Kenjie's POVMaaga akong bumangon dahil baka ma late na naman ako, naghilamos muna ako at tsaka nag toothbrush.
Bumaba na ako para mag breakfast, naabutan ko don si Mommy at si Athena.
"Good morning Kenj," bati sakin ni Athena.
"Morning," sabi ko tsaka bumaling kay Mommy. "Good morning mom," nakangiting sabi ko at tsaka umupo sa tabi ni Athena.
"Aga mo ngayon ha? Seems like you're excited to see Gabby" pang aasar kagad ni Mommy sakin.
Narinig ko rin ang bungisngis ni Athena. Kunwari akong natawa at tsaka kumuha ng bread and bacon.
"Likewise Mom," sabi ko naman.
Masaya pa kaming nag kwentuhan at pagkatapos noon ay tsaka ako umakyat sa kwarto ko at naligo.
Nang nagbibihis na ako biglang tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko naman iyon at agad na nangunot ang noo ko nang may hindi pamilyar na number ang lumabas sa screen ng cellphone ko.
From: UNKNOWN NUMBER
Hi Kenj! This is Mia, got your number from Athena. I'm just hoping if we can talk?
I sighed and think of what I should reply. Pero tama si Mommy, I need to talk to her, para masagot na rin ang mga tanong ko.
To: Mia
Okay, at the coffee shop near BSU.
Pagkatapos ko mag ayos ay bumaba na ako at tsaka inayos ang kotse ko, sandali pa akong naghintay kay Athena at tsaka kami umalis at pumasok sa school.
Ang sabi ko kay Athena ay mauna na sya at may pupuntahan pa ko, hindi ko na sinabi kung saan.
Nagpunta na ako sa coffee shop malapit sa may school namin, pagkapasok ko ay agad kong nakita si Mia na naghihintay doon.
Umupo ako sa harap nya, nakita ko naman na nabuhayan sya pagkaupo ko.
"Do you want coffee? Wait I'll order-"
"Huwag na," I cut her off, "Ano bang pag uusapan natin?" diretsa kong tanong.
"I just wanted to say sorry," panimula nya, hindi ko naman sya tinitingnan at hinihintay na lang ang sasabihin pa nya. "I'm sorry for everything Kenjie, for everything that I've done to you. And for all the pain I've caused you," dun pa lang ako lumingon sa kanya. Nilabanan naman nya ang mga titig ko.
"Sorry is not enough to ease all the pain you've caused me Mia, I've been through a lot nung iniwan mo ko," hindi ko na napigilan ang emosyon ko. "Umalis ka nang hindi man lang sinabi sakin kung bakit? Mia I can listen to you alam mo yan, at kung ano mang rason ang meron ka, iintindihin ko yon kasi mahal kita," naiiyak na sabi ko, alam ko na na magiging ganto ang reaksyon ko kapag nag kausap na kami, nagiging sariwa na naman ang mga sugat ko noon na akala ko ay naghilom na.
"Pinagsisisihan ko na hindi ako nag paalam sayo Kenjie, count this times," emosyonal na sabi nya.

YOU ARE READING
Broken Trust
DragosteKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.