Gabby's POV
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko kay Ate.
Biglaan kasi akong umuwi dahil tumawag sakin ang may ari ng apartment na nirerentahan ko dahil may naghahanap daw sakin. Mabuti na lang at mamayang hapon pa ang shift ko kaya pwede ako umuwi.
"Well, Mom asked me to find you here, buti na lang may mga connections sila dito," maarteng sabi nya kaya napairap ako.
"Bakit naman nya ko papahanap?" inis na tanong ko.
"I don't know?" patanong nyang sagot. "Maybe she's worried about you, two years ka nang hindi umuuwi satin Gabriela," biglang seryosong sabi nya.
I tsked, bakit naman sya mag aalala sakin? Wala naman siyang ibang iniisip kundi ang sarili nya. Hindi ko na siya sinagot at tsaka ako nagpalit ng damit. Sayang naman uniform namin, hinanger ko na lang ito dahil hindi naman masyadong nalibagan.
Bakit naman ako uuwi sa hindi ko naman bahay? Dito talaga kami nakatira sa QC nabenta lang yung bahay at lupa namin nung magkasakit si Papa. Sinasama na nila ako don sa bahay nung bagong asawa ni Mama sa Laguna, pero hindi ako sumama dahil ayoko. Ewan ko ba kay Ate kung bakit sumama sya don.
"And I will stay here," biglang sabi nya pagkalabas ko ng kwarto. Napatingin naman agad ako sa kanya.
"Bakit?" I asked out of curiosity.
"Well I have to relax my dear sister," umakto pa sya na parang stress na stress, napairap ulit ako. "Magbobonding din kami ng mga highschool friends ko bago mag start ulit yung class,"
"Nag book ka na ng hotel mo?" tanong ko.
"No," pasinghal nyang sabi. "Ang mahal kaya mag book ng hotel no? Dito ako tutuloy sa apartment mo,"
"Ano?! Hindi pwede," agad kong sabi.
"At bakit naman?" her brows furrowed.
"Iisa lang ang kama dito," I lied. Ayoko lang talaga siya makasama dahil hindi kami magkasundo.
"So? I can buy a sofa bed for you-"
"Wow ah? Ako pa talaga mag aadjust para sayo? Humanap ka ng apartment mo," susko, ako pa ang mag aadjust para sa kanya? Hell no.
"You're so cruel, ganyan ka na ba talaga? Ugh," maarte na namang sabi nya.
"Pwede ba ate? Huwag kang maarte, hindi pwede dito yang kaartehan mo," inis na sabi ko at nakita ko namang tumawa sya.
"Relax, I was just kidding," tumatawang sabi nya. "Fine, ako na ang hihiga sa sofa bed, pero samahan mo kong bumili," she added.
Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya, nagsuot lang ako ng black leg jeans at isang white na big shirt at tsaka ako nagdala ng tote bag. Samantalang siya akala mo pupunta ng party, kung ano ano pa ang sinuot. Ubod talaga ng kaartehan tong isang to.
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.
