Kenjie's POVPagkatapos namin mag breakfast ay umakyat muna ako sa kwarto ko para humiga. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may chat sakin ang dalawang mokong.
Dominic Miranda: Good morning guys, pero tiyak na mas maganda ang morning ng isa diyan kasi may magaganap na 'meet the parents' mamaya yie.
Roy Miguel Hernandez: Tiyak ko ba ay hindi na naman makakali ang isang yon.
Dominic Miranda: Omsim, kunwari lang ginagawa ang dare natin pero ang totoo may gusto na talaga siya aruy!
Roy Miguel Hernandez: Ayoko na lang mag talk. Hoy @Kenjie Menchavez gumising ka na masiyado na atang masarap ang tulog mo.
Dominic Miranda: Baka kamo nagtuloy-tuloy na yung tulog niyan sa sobrang kaba at excitement.
Natawa ako sa mga pinagsasasabi sakin ng dalawang to.
Kenjie Menchavez: Hoy mga gago huwag kayong pasya, mag-ingat kayo baka sa inyo mangyari.
Agad namang na-seen ng dalawa ang chat ko at nag-react pa sila ng 'haha'.
Dominic Miranda: Uy gising na si lover boy🤣
Roy Miguel Hernandez: Akala namin nagtuloy na yung tulog mo e.
Kenjie Menchavez: Tse, ang usapan ay usapan, walang totohanan yon.
Roy Miguel Hernandez: Balitaan mo na lang kami kung mabubusog ka sa dami mong kakainin na salita🤣.
Hindi na ako nag reply at nag-scroll na lang sa fb dahil alam kong aasarin lang ako ng dalawa.
Habang nag iiscroll ay naisipan kong i search ang pangalan ni Gabby sa facebook.
Gabby Salazar
May mga lumabas pero wala yung account ni Gabby, nag try ulit ako ng ibang pangalan dahil baka mali lang ang pangalan na na-search ko.
Gabriela Salazar
Pero wala pa rin talagang lumalabas.
May facebook ba yung taong yon?
Dahil no choice na ako, tinanong ko na lang kay Athena.
Kenjie Menchavez: Athena, ano name ni Gabby sa fb?
Medyo matagal bago niya mabasa ang chat ko.
Athena Kathleen: y?
I tsked, tamad na tamad mag reply?
Kenjie Menchavez: Isesearch ko siguro?
Nainis kasi ako sa reply niya kaya sarkastiko ko rin siyang nireplyan.
Athena Kathleen: She doesn't have one.
Kumunot ang noo ko, bakit? Bakit wala siyang fb, tao pa ba siya? Joke.
Athena Kathleen: But she has an IG account, you want?
Kenjie Menchavez: Yes please.
Athena Kathleen: In one condition
Kenjie Menchavez: Ano naman yon?

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.