Kenjie's POVNakita ko kung paano natigilan si Gabby sa sinabi ko, kahit ako ay hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabe ko. Siguro paraan na rin para mapabilis ang dare sakin. If she likes me back, the dare is over.
*FLASHBACK*
Nakatambay kami sa field ni Doms at Miguel, pinag uusapan namin kung ano ang gagawin nilang punishment sakin dahil natalo nila ako sa inuman kagabi. Ganon ang trip naming tatlo, kung sino ang pinakalasing samin may punishment. Since ngayon lang ako natalo, matagal na dare ang binigay nila sakin.
"Since ngayon ka lang namin natalo sa inuman, isang pangmalupitang punishment ang para sayo," parang baliw na sabi ni Doms.
"30 days bro," bigla ay sabi ni Miguel, taka naman akong tumingin sa kanya. "30 days for you to make a girl fall in love with you," I tsked, sus basic naman na sakin yan.
"Sino ba?" mayabang na sabi ko.
"Sya," turo ni Doms sa isang babaeng dumadaan na nakatingin saming tatlo.
"No way! Ayoko!" sabi ko nang mamukaan kung sino ang tinuro niya. Narinig ko namang tumawa sila.
She's Gabby Salazar, my twins best friend! Ayoko! Hindi dahil sa hindi sya maganda, ewan ko, hindi lang talaga sya yung type ko.
At isa pa, baka magalit sakin si Athena kapag nalaman nya yung kagaguhan naming plano sa best friend nya."Okay, we have option two," sabi ni Doms, hindi ako sumagot at hinintay na lang ang sasabihin niya. "Do a magic trick dito sa field,"
"Yon lang ba-"
"With your dad,"
"What?! Ayoko!" pagtanggi ko.
"Mas madali nga yon e-"
"Option one!" sabi ko at natigilan silang dalawa. "I'll take your first punishment, I'm gonna make Gabriela Salazar fall in love with me," ngumisi ako sa kanilang dalawa at tsaka sila nagtawanan.
"Okay, at kapag nag iloveyou na sya sayo, then tell her na dare lang yon," dagdag pa nya.
*END OF FLASHBACK*
"Ahm mauuna na ko, salamat sa paghati-"
"Now you know, kung bakit ko ginagawa to lahat sayo," di sya makatingin ng diretso sakin. Napangiti ako dahil kitang kita ko ang ilang sa mukha nya.
I know you like me Gabby, don't deny it.
"Sige na mauuna nako, salamat sa paghatid," tinanguan ko lang sya. "Paki sabi na lang din kay Athena," hindi na nya hinintay ang sagot ko dahil dumiretso na sya sa loob ng milk tea shop.
Pagkadating sa bahay ay nakahanda na ang dinner namin, ang masaya kong mood ay napalitan ng inis nang makita ko si Alfred, my dad. Actually step dad ko lang sya, at masyadong maganda ang araw ko para hayaan kong sirain nya.
Tahimik lang akong kumakain habang nag iisip kung ano ang susunod kong gagawin kay Gabby.
"How about you Kenjie, how's your studies?" napatigil lang ako sa pag iisip ng magsalita si Mommy.

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.