Gabby's POV"Pumayag ka na kasing ihatid ni Dion bes," pag-pupumilit ni Athena at Dion sa'kin na ihatid ako sa condo ko.
Kanina pa kami nagtatalo pati nila Tita Amy na ihahatid nila ako pero ayoko, ang sabi ko ay magbo-book na lang ako ng taxi.
"Hindi na nga, kaya ko naman na mag-isa," sabi ko naman.
Agad akong natigilan nang huminto si Kenjie sa harap namin, blanko ang ekspresyon. Simula nung magkita ulit kami kagabi ay ramdam ko ang pagiging cold niya sa akin, at naiintindihan ko naman.
"Hayaan niyo na siya, nakaya nga niya ng limang taon na mag-isa eh," napaawang ang labi ko sa sinabi ni Kenjie.
Ganon din si Dion at Athena.
"Kenj," mariing sabi ni Athena sa kapatid.
"Why? Totoo naman ah-"
"Kenjie stop," pag-uulit ni Athena.
Samantalang ako, eto naiwang nakaawang pa rin ang bibig. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.
I know I hurted him, I know I caused a lot of pain to him. And I understand why he's like that to me, ibang-iba. The way he treated me before, and the way he treated me now.
I can feel his anger to me, at wala akong ibang dapat gawin kung hindi ang tanggapin lahat ng ginagawa niya sa'kin. Ang pagiging cold niya, ang mga salitang binibitawan niya. Lahat ng yon wala akong dapat gawin kung hindi iabsorb, even if it hurts.
Wala na akong nagawa kung hindi ang magpahatid na lang kay Dion dahil maaga pa ako bukas sa trabaho ko.
Pagkadating sa condo ko ay naligo muna ako bago ako pumasok sa kwarto ko para magpahinga.
Pagkahiga ko ay hindi agad ako nakatulog, hindi ako makatulog.
Eto ako, nakatitig lang sa kisame, iniisip kung totoo ba lahat nang nangyayari. Hindi pa masyadong nag-sisink in sa'kin lahat.
Kagaya na lang ng ginawa niyang pagbebenta ng lupa niya, well it's his so siya ang may karapatang magdesisyon.
Binenta niya? I don't get his point. I know how much he loves that property, because his Dad gaves it to him. Pero tama nga siya, medyo malayo yon kila Tita kung don siya magtatayo ng bahay. At tsaka, tama rin siya, wala na kami.
Napangiti ako nang maalala ko lahat ng memories namin don sa lugar na yon.
Sobrang dami naming ala-ala don, kung paano namin iniimagine yung future namin. Kung paano kaming nagpaplano na kaming dalawa mismo ang magtatayo ng bahay namin in the future, ako ang mag-dedesign. Pero nawala rin agad ang ngiti ko nang marealized ko na imagination ko na lang to.
Minsan pala hindi rin maganda sa pakiramdam yung mag-reminisce. Well, wala namang masakit sa past namin, meron man pero hindi ko yon kino-consider na bad memory.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon at tsaka ako naligo.
I just wore a black pencil skirt, white tank top and gray blazer. At tsaka ako nagsuot ng takong.

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.