Kenjie's POVKasabay ng mabagal niyang paglakad ay ang dahan-dahang pagbagsak ng aking mga luha mula sa aking mga mata.
Mga luha na nagsasabing masaya ako, mga luhang nagsasabi na napakaswerte ko dahil may isang babae na kagay ni Gabby na naglalakad sa gitna ng altar patungo sa akin.
Na handang humarap sa maraming tao handang iparinig ang mga pangako namin sa isa't-isa.
"I, Ethan Kenjie Menchavez, take you, Gabriela Therese Salazar, to be my wedded wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, and till death do us part." naiiyak na sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Gabby.
Hindi ako nagkamali, hindi ako nagkamali na siya ang pinapakasalan ko. At hindi rin ako nagsisisi na binalikan ko siya despite sa mga sakit na naranasan ko mula sa kanya.
Handa akong mag take ng risk basta siya ang susugalan ko. I can't see myself taking this vows with anyone else but Gabby. She's the love of my life, and I can't live without her.
Sinuot ko na ang singsing sa daliri niya at tsaka iyon hinalikan.
"I, Gabriela Therese Salazar, take you, Ethan Kenjie Menchavez, to be my wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, and till death do us part." dahan-dahan niyang isnuot sa akin ang singsing.
Singsing na simbolo ng aming pagmamahalan, simbolo ng mga pangako namin sa isa't-isa na kaming dalawa ay magmamahalan hanggang sa huli naming hininga.
"I may now pronounce you, husband and wife," agad na naghiyawan ang mga tao. "You may now kiss the bride,"
Lalong naghiyawan ang mga tao, nangunguna na rito ang aming mga kaibigan.
Dahan-dahan kong inangat ang belo niya. Tinitigan ko muna ang mukha niya, ang mukha niyang masaya.
Nilapit ko na ang mukha ko sa mukha niya at marahang nilapat ang aking mga labi sa labi niya.
"Mahal na mahal kita," sabi ko habang pinagmamasdan ang mga nagniningning niyang mga mata.
"Mahal na mahal na mahal din kita," naiiyak na sabi niya.
Nilapat kong muli ang aking labi sa kanya.
"Yes! We're married!" masayang sigaw ko habang nakataas ang aking kamay na may singsing at tsaka ipinakita sa mga taong naroon.
Pagkatapos ng ceremony ay nagpicture-picture muna kami sa simbahan.
At pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa reception. Marami nang tao ang nandoon kaya naman medyo naiinitan na si Gabby sa suot niya.
"Congratulations to our newly wed couple! Mr. and Mrs. Menchavez!" sigaw ng emcee at kasabay noon ang pag-gawa ng ingay ng mga tao gamit ang baso at tinidor.
Nagtungo na kami kung saan kami dapat nakapwesto. Naroon sa harapan ang aming mga magulang na sumuporta at tumulong sa aming kasal.
Nilapitan ko muna sila Mommy at Tito Alfred, niyakap ko sila.
"Thank you Mommy, thank you Tito," emosyonal kong sabi.
"We're so happy for the both of you," sagot naman ni Mommy. Si Tito Alfred naman ay niyakap lang din ako at tsaka tinanguan.
Sunod akong lumapit sa Mama ni Gabby.
"Thank you po Tita," sabi ko. Niyakal naman niya ako at hinaplos ang likod ko.
"Thank you din hijo, for taking care of my daughter." maluha-luhang sabi niya.
Nagtuloy lang ang kasiyahan sa aming kasal.
"Aahhh!" mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay ng aking asawa habang nag-bubuwis siya ng buhay para lang maisilang ang aming unang anak.
Kanina ko pa siya nakikitang nahihirapan habang nanganganak. Hindi naman daw talaga madali, pero para sa anak mo ay titiisin mo ang lahat.
Ilang pag-iri pa ang ginawa ni Gabby bago lumabas ang aming anak mula sa kanyang sinapupunan.
Naluha ako nang makita ko ang aking anak na hawak ng doktor.
"Pwede ko ho ba siyang mahawakan?" emosyonal na sabi ko.
Binigay naman niya iyo sa akin, tuluyan nang bumuhos ang luha ko sa saya. Worth it ang paghihirap ni Gabby. He's an angel.
George Evan Menchavez
You will be our light, anak. Ikaw magiging kalakasan at kahinaan namin ng Mommy mo.
Iba sa pakiramdam ang maging tatay. Totoong hindi madali, dahil magkakaroon ka na ng responsibilidad. Mahirap pero masarap.
Kayo ng Mommy mo ang kalakasan ko. Mawala na ang lahat huwag lang kayo.
Kayong dalawa ang pahinga ko sa magulong mundo.
"Ang gwapo-gwapo naman ng apo ko," pabulong na sabi ni Mommy dahil natutulog ang mag-ina ko.
"Kanino pa ba naman magmamana? Edi sa akin," biro ko.
"Excuse me, mas maganda ang genes ng best friend ko no. Tabi nga, I'm gonna take a picture of my nephew, he's so cute," maarteng sabi naman ni Athena. Maraming shots ang ginawa niya.
Kaming tatlo pa lang ang bantay dito sa kwarto dahil bawal ang masyadong maraming tao.
Nag-paalam muna sila Mommy na may bibilhin lang daw kaya naiwan akong mag-isa na bantay ng mag-ina ko.
Hay, ang sarap sa pakiramdam na makita kayong dalawa.
I can't see myself being paired with anyone else but you Gabby. Mahal na mahal ko siya.
My both strength and weakness.
I am Engr. Ethan Kenjie Menchavez, I'm not just gonna be the 'Best Engineeri in Town', I am going to be the best dad and husband.
-THE END-
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.