Forty

7 1 0
                                    


Gabby's POV

"Oh halika na kayo rito," anyaya sa amin ni Tito Alfred.


Ngayon kasi ay ang pa-despedida ni Dion, babalik na siyang America para doon maging architect. Magbo-boodle fight kami ngayon.


Two months ago since I and Kenjie got back together. Two months na rin nang sinumulan na ang project namj sa Bulacan.


Andito kaming lahat ngayon, Ako, si Kenjie, Tita Amy, Tito Alfred, Athena, Doms, Miguel with his girlfriend Shanaia, si Manang, Mia, and Dion.


"Let's take a picture first," pumwesto na si Athena sa sa harapan para mag-picture.


Pagkatapos non ay kumain na kami.


Habang kumakain ay may nahulog si Kenjie sa lapag pero hindi ko na iyon pinansin, susubo na sana ako nang marinig kong maghiyawan ang mga tao sa paligid ko.


Tiningnan ko naman kung ano ang dahilan kung bakit sila naghihiyawan at napaawang ang bibig ko sa nakita.


Si Kenjie, holding a ring.


Napatakip ako sa bibig ko, he will propose to me right now.


"Gabby, hindi ko alam kung ilan taon pa ang hihintayin ko para sa pagkakataon na to," sabi niya.


Unti-unti ko nang nararamdaman ang luha ko na dumadaloy pababa sa aking mukha.


"Gabriela Therese Salazar, will you marry me?" tuluyan nang umingay ang paligid namin sa sinabi niya.


Tumango ako nang tumango bilang sagot.


"Pinaka simpleng sagot Kenjie, oo."


Sinuot na niya ang singsing sa akin at tsaka niya ako niyakap.


Agad namang naghiyawan ang mga nasa paligid namin, masaya para sa aming dalawa ni Kenjie.


Dahil sa nangyari ay mas masaya kaming lahat na nagkainan.


Nang matapos na kumain ay nag-umpisa na akong magligpit. Habang nagliligpit ay may lumapit sa akin.


"Congrats," napatingin ako kay Mia.


"Thank you," nakangiting sagot kk at tsaka niya ako niyakap.


Mia and I are friends now, true friends. I can see how genuine she are to me.


Matagal naman na niyang tanggap na hanggang magkaibigan na lang talaga sila ni Kenjie.


Si Dion din ay ganon, sinubukan ulit niya pero ang sabi ko ay hanggang kaibigan na lang talaga. Nirerespeto ko ang nararamdaman niya noon sa akin kaya medyo nilimitahan ko ang pakikitungo ko sa kaniya. Pero ngayon na tanggap na talaga niya, bumalik na ulit yung unang best friend ko.


Tinapos na namin ni Mia ang ligpitin at tsaka nag-inuman ang mga lalaki.


Kaming mga babae naman ay tamang enjoy lang kasama sila.


"Cheers para sa bagong kasal!" sigaw ni Doms, halatang lasing na.


"Babe! Hindi pa sila kasal! Engaged pa lang, masiyado kang excited," sabi naman ni Athena.


Broken TrustWhere stories live. Discover now