Gabby's POV
"Nang gagago ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa dahil hindi pa rin nag-sisink in sa'kin yung narinig ko.
Tumawa naman silang dalawa dahil sa reaksyon ko.
"Bakit ka naman namin gagaguhin?" natatawang tanong ni Nicca sa akin. "Totoo nga," sabi niya at sabay nilang pinakita sa akin ang pareho nilang kamay na may nakasuot na singsing.
Lalong umawang ang labi ko nang ituro pa nila sa akin ang wedding picture nila na nakasabit sa dingding ng bahay nila. Bakit hindi ko napansin yon kanina?!
"Paanong nangyari yon e mortal enemy kayo nung magkakatrabaho pa tayo?" gulat na tanong ko pa rin.
Sino ba naman kasing mag-aakala na sila ang magkakatuluyan eh samantalang dati magtagpo lang ang mga paningin nila e nag-aaway na sila.
"Eto kasing kaibigan mo, may lihim na pagtingin na pala non sa'kin," sabi ni Nicca at nakita ko naman ang reaksyon ni Kalvin na hindi sang ayon sa sinabi ng asawa.
"Parang hindi naman yon totoo hon," napangiti ako nang maalala ko yung panahon na nagtatrabaho pa kami sa milk tea shop, ganyan na ganyan sila noon.
Hindi na rin nagtagal ang usapan namin dahil may dumating na iba pang mga bisita na kailangan nilang asikasuhin.
Catering naman ang birthday party pero sila Nicca at Kalvin ay patuloy pa rin sa pag-asikaso ng mga bisita.
Nag-rent din sila ng clown para sa mga bata, at kaming matatanda naman ay sa may likod lang ng mga bata.
Na-meet ko na rin ang dalawang anak nila Nicca at Kalvin. Si Kailey ang panganay, limang taon. At si Nicholas naman ang bunso, at siya ang may birthday ngayon, isang taon na.
Pitong taon nang kasal sila Nicca at Kalvin, and I'm happy for them. They found each other to love and to protect the family that they have.
Nag-umpisa na ang party, nag-mamagic tricks ang dalawang clown sa harap at tuwang-tuwa naman ang mga bata. Paniwalang-paniwala sila, palibhasa ay mga bata. Ako ay isa rin sa mga biktima ng mga tricks ng mga clowns nung bata pa ako.
"Hon, nandyan na daw si Engineer," napalingon din ako kay Nicca.
Agad na umawang ang labi ko sa nakita. Si Kenjie! Anong ginagawa niya dito? At p-paano niyang nakilala sila Nicca at Kalvin? Anong koneksyon nila?
Nang magtama ang paningin namin ay dumaan din ang gulat sa mga mata niya.
Alam kong nagkakilala na sila ni Kalvin, minsan pa nga niya itong pinagselosan. Ang pinagtataka ko ay kung ano ang koneksyon nila ngayon?
Alam nila Nicca at Kalvin na si Kenjie yung naghahatid-sundo sa akin sa milk tea shop noon. Pero hindi nila alam na naging kami dahil hindi na nga kami nagka-usap pa simula nung umalis ako sa trabaho.
"Ah Engineer, Si Gabby nga po pala. Natatandaan niyo po? Yung hinahatid niyo dati sa-"
"Yes, I know her," kinilabutan ako nang marinig ko ang malamig na boses ni Kenjie nang sabihin iyon.
Awkward na tumawa si Kalvin, napakamot pa sa ulo.
Sa table ko rin umupo si Kenjie since ako lang daw mag-isa at tutal magkakilala naman din daw kami.
Napatingin ako sa kanya, naka-focus lang siya sa nangyayari sa harapan. Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay agad niya akong nilingo. Sa sobrang gulat ko ay agad akong tumingin sa harapan, kunwari ay nanonood din ako.
"Ah oo nga pala, tapos ko na yung design ng bahay ni Ms. Morales. Bukas ko na lang po ipapakita sa inyo," sabi ko para naman may mapag-usapan kami.
"Okay. But let's not talk about work right now, we're on a birthday party." nalaglag ang panga ko hindi dahil sa sinabi niya, kundi sa pakikitungo niya.
Nung isang araw lang ay okay naman kaming dalawa, casual lang. Pero ngayon, nakikita at naririnig ko na naman yung Kenjie na sumalubong sa akin pagkabalik ko dito.
Teka bakit ba ako nagtataka? Dapat nga ay hindi na. He's clearly mad at me. Kaya Gabby, huwag kang mag-feeling okay na kayo dahil hindi pa! At hindi ko alam kung magiging okay pa.
"Okay kids, let's play a game." sabi nung clown sa harap, naghiyawan naman ang mga bata. "Let's play, 'Bring Me' game!"
Sinabi muna ng clown ang mechanics ng game, ang ibang bata naman ay alam na ang laro. Ang ibang hindi naman alam ay agad na na-gets ang laro.
"Bring me, a family picture!" sabi nung clown kaya naman agad na humanap ng family picture ang mga bata.
Ang iba ay bigo nang walang makuhang family picture sa kanilang magulang.
Si Kailey ang nanalo, at agad namang kinatsawan sila Nicca at Kalvin. Binigyan ng clown si Kailey ng party bag bilang premyo niya.
"Bring me, a beautiful girl!"
Agad na hinila ng ibang mga bata ang kanilang mga Mommy. At nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Si Kailey.
"Let's go tita," hindi na ako umangal pa dahil baka magtampo sa akin si Kailey.
Pagkadating namin sa harap ay maraming kasabay si Kailey na iba pang mga bata na may kasamang mga magulang.
"Uh-oh, paano ba yan, sabay-sabay na nagdala ang mga bata. Pero kailangan lang na isa ang manalo. So ang ating audience ang mag-dedecide kung sino ba ang mananalo by clapping ang shouting!" agad na naghiyawan ang mga tao. Naki-isa rin ang mag-asawa.
Inisa-isa na ng clown ang mga babaeng dala ng mga bata, nang ako na ay agad na naghiyawan ng malakas ang mga tao. Agad akong natigilan, hindi dahil sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao, kung hindi dahil kay Kenjie na nakikisabay sa hiyawan at palakpakan ng mga tao.
"Okay! Clearly we have a winner! What's your name beautiful lady?" lumapit sa akin ang clown.
"Gabby," ngumiti ako.
"What a beautiful name, like you." agad naman akong natawa dahil sa sinabi ng clown.
Si Kailey na naman ang nanalo kaya naman medyo nawawalan na ng pag-asa ang ibang mga bata pero nagpatuloy pa rin ang laro.
"Dami mong audience kanina ha," sabi ni Kenjie pagkaupo ko.
Natawa ako. "Hindi kaya," sagot ko naman. "Pwede mag-tanong?" sabi ko nang maalala siya kanina. Yung sigaw at palakpak niya.
"Sure,"
"Bakit ka pumalakpak at sumigaw kanina?" tanong ko at nakita kong sumeryoso naman siya.
"Because you are really beautiful,"
:>>>>>
YOU ARE READING
Broken Trust
CintaKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.
