Eleven

9 1 0
                                    


Gabby's POV

Pagkatapos ng sagutan namin ni Ate ay nakatulog siya, pagod siguro sa biyahe. At ako naman, dinouble check ko yung project namin na ipapasa na bukas, nang mapansing okay naman yon itinago ko na iyon para hindi na masira.



Nag advance reading ako saglit at tsaka naisipan ko rin na mamahinga.



A few hours later, I woke up because of some noise from the kitchen. Sinilip ko kung ano yon at nakita ko si Ate na nagluluto, gabi na pala.



"Oh gising ka na pala," umupo ako sa harap nya. "I'm cooking your favorite," masayang sabi nya.



Niluluto nga nya ang favorite kong ulam, beef steak. Mukhang maluluto na ang ulam kaya naman tinulungan ko na siya mag hain ng pinggan.



Nag umpisa na kaming kumain at tsaka kami nagkwentuhan about sa mga buhay buhay namin.



"Anong oras ang pasok mo sa trabaho?" she asked.



"Wala akong pasok ngayon," simpleng sagot ko at tsaka uminom.



Tumango lang siya at hindi na sumagot, inubos ko na rin ang natitira ko pang pagkain at tsaka tumayo para ligpitin ito pero pinigilan niya ako.



"Teka naman, hindi mo na ba ako pag aasawahin?" tanong niya na nakapag pakunot ng noo ko. "Pamahiin, masama daw yung nililigpit na ang pinagkainan kapag may kumakain pa," I tsked. Jusko naman, hanggang ngayon ba naniniwala pa rin siya don? Simula kasi bata palang kami, naniniwala na siya sa mga pamahiin.




Hindi ko siya pinansin at nilagay ko pa rin sa lababo yung pinggan.



Anong connect ng pinggan sa pag aasawa mo? Pinggan ba yung may hawak ng kapalaran mo sa pag ibig? Tsk.



Pagkatapos din niya ay ako na ang nagligpit, pagkatapos noon ay nag scroll lang ako saglit sa IG.



Wala akong fb account dahil toxic masyado, gusto ko lang ng tahimik at mapayapang buhay, siyempre hindi yung payapa talaga.



Nang manawa na mag scroll ay humiga na ako at tsaka natulog.



Kinabukasan ay nagising ako sa amoy na nagmumula sa kusina. Tumayo na ako at sinilip kung ano iyon pero tiyak na si Ate lang iyon.




Tama nga ako at nakita ko si Ate na nagpiprito ng bacon, ham, itlog, at nag totoast ng tinapay.



Naghilamos muna ako at tsaka nag banyo. Mabuti na lang at nakapag pahinga ako kahapon at nakaipon naman ako kahit papaano ng kaunting lakas para ngayon araw.



Pagkalabas ko ay nakahanda na ang lahat ng pagkain, hindi pa rin ako kumikibo hanggang sa nag umpisa na kaming kumain.



"Anong oras pasok mo?" tanong ni Ate.



"7:30," I replied.



"Okay, uhm diretso ka na ba sa work mo?" tumango lang ako bilang sagot. "What time ka uuwi?"



"Hindi ko alam," sagot ko. "Pero usually 12 A.M,"



Hindi na siya sumagot, tinapos ko na ang pagkain ko at tsaka ako naligo. Pagkaligo ay hinanda ko na yung project namin dahil baka makalimutan ko pa. Nagbihis na rin ako ng pang P.E at tsaka ko sinuot yung rubber shoes ko na binigay sakin ni Papa.



Broken TrustWhere stories live. Discover now