Kenjie's POV"Lumayo ka nga sakin, masyado kang malapit," inis na sabi nya kaya naman napangisi ako.
"Huwag masyadong mainit yung ulo-" natigil ako sa paghawi ng buhok nya ng tabigin nya ang kamay ko. "Hindi bagay sayo ang nakasimangot lagi," nakangiting dagdag ko pa.
"Hindi ko kailangan ng opinyon mo," sabi nya tsaka umalis sa harap ko. Agad ko naman siyang sinundan.
"Gabby," tawag ko sa kanya, inis naman syang humarap. "Dinner tayo, this weekend," sabi ko.
"May trabaho nga ako, tsaka ayoko,"
"Dinner naman yon, pwede ka naman siguro mag half day," pamimilit ko pa.
Hindi na sya sumagot, inirapan nya lang ako tsaka nya ako tinalikuran.
"I'll take that as a yes!" sigaw ko. Hindi ko na siya kinulit pa dahil malelate na naman ako.
Pagpasok ko sa room ay nakakunot ang noo ng dalawa.
"Akala ko ba papa-miss ka ng konti, e parang kahapon mo lang sinabi sa kanya na titigilan mo na sya diba?" bungad sakin ni Doms.
Natawa naman ako. "Ginagawa ko lang ang kailangan kong gawin,"
"Baka naman, hindi mo na rin matiis ang hindi kausapin si Gabby," nanunuksong sabi naman ni Miguel.
"Gago, basta ako ang bet ay bet lang, wala nang ibang ibig sabihin yon. Palabas ko lang lahat yon," seryosong sabi ko.
Kung mapapabilis ko nga lang ang panahon at kung masasabihan ko nga lang din ang nararamdaman ni Gabby na gustuhin na nya ako ay ginawa ko na, gusto ko nang matigil ang ginagawa ko dahil bukod sa hindi na kinakaya ng sikmura ko, ayokong magalit sakin si Athena kapag nalaman na nila yung totoo.
Well, I'm used to do this things, pero ewan ko ba kung bakit parang kinakabahan ako once na malaman nila yung totoo. Na hindi ko talaga gusto si Gabby, na palabas lang lahat ng ginagawa ko, siguro dahil malapit sa pamilya namin si Gabby kaya ganon.
Natapos ang buong maghapon, pero parang wala naman akong natutunan.
Dating gawi lang ang nangyari, hinatid lang ulit namin si Gabby. Pagakahatid ay dumiretso na kami sa bahay.
Bahay.
"Sakto lang ang dating nyo, kakain tayo sa labas," excited na sabi ni Mommy.
Bumeso muna ako. "Okay, but why?" nagtataka talaga ako.
"Birthday ni Manang, dito na lang sana tayo sa bahay kaso busy sa office kaya hindi ko na nagawang magluto," sabi nya.
"Magbibihis lang kami Mom," sabi ni Athena, sumunod naman ako sa kanya.
Pagkababa ko ng bag ko ay mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at tsaka patakbong pumasok sa banyo. Init na init kasi ako dahil hindi ako nakaligo nang maayos kanina dahil late na ko.
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.