Gabby's POV"Good morning," bati ko sa sarili ko pagkagising. Alas siyete na ng umaga at kailangan ko nang kumilos dahil baka malate ako sa school.
Pagkatapos kong maligo ay tsaka ako kumain ng almusal ko. Fried egg, ham at tsaka tinapay. Nagtimpla na rin ako ng kape ko pampagising dahil puyat ako kagabi.
Pagkatapos ay inayos ko na rin ang gamit ko at tsaka umalis ng bahay. Isang sakay lang ng jeep ang school namin, ang BSU. Brent School University, BSU for short. Mayayaman ang mga estudyante dito, hindi kagaya ko na kailangan ko pang magtrabaho para kumita ng pera. Nagtataka kayo kung bakit ako nakapasok dito? Ano pa ba edi scholarship.
Tinext ko na rin ang best friend ko na andito na ko sa school. Hindi ko na hinintay pa yung reply nya dahil baka nasa room na sya.
Nang may nasa field na ako ay namataan ko ang tatlong lalake na nag uusap sa may bench don, napansin ko pang tinuro ako ng isa pero hindi ko na pinansin yon dahil baka natapat lang na dumadaan ako.
Hindi nga ako nagkamali at nasa room na si Athena, yung best friend ko.
"Hi bes," bumeso pa sya sakin. Nginitian ko lang sya at tsaka ako umupo sa tabi nya.
Tahimik na lang akong nagbasa ng libro habang hinihintay ang first subject namin.
LUNCH BREAK.
Nasa cafeteria na kami ni Athena at kumakain nang marinig namin ang hiyawan ng mga kapwa namin estudyante.
"Omg! Ang gwapo talaga nila!"
"Look oh, ang fresh pa rin tingnan ni Doms!"
"Mas fresh si Miguel!"
"Ano ba kayo mga bulag? Pinaka fresh kaya si Kenjie!"
Ilan sa mga sigawan ng schoolmates namin, tuwi-tuwina na lang, kapag dadaan yang tatlo na yan automatic na may sisigaw. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Bes gusto mo samin mag dinner? Magluluto si Mommy ng favorite mo mamaya," anyaya sakin ni Athena.
"May pasok ako e," sabe ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Sayang, gusto kasi ni Mommy na samin ka lagi mag dinner e," nanghihinayang na sabi nya.
Hindi ko na sya sinagot at tinapos nalang ang pag kain. Pagtapos noon ay inubos na lang namin ang ilan pang mga minuto para mag advance reading. Yon ang routine namin ni Athena. Minsan ay ako lang ang gumagawa, dahil tinatamad daw sya.
"Okay class, I will give you a project, by pair ito so kayo ng bahala sa magiging ka partner nyo," sabi ng teacher namin at agad na umingay ang mga kaklase ko at kanya kanyang kuha ng partner. "Gagawa kayo ng bahay, by using cardboards, o kahit na anong bagay na pwede nyong gamitin para makabuo ng bahay. I need a sketch of it, kayo nang bahala sa design or style ng bahay na gusto nyong gawin, at ang may pinakamataas na scores ay excempted sa ating final exam this quarter. Ibabase ko ang grades nyo sa sketch syempre, at sa mismong bahay na gagawin nyo, malinaw ba?" mahabang sabi pa nya. Agad akong nanlumo dahil hindi madaling gawin yon! Patay na naman neto sched ko oh!
"Yes ma'am,"
Natapos ang klase at kailangan na naming umpisahan ni Athena yung project dahil matagal tagal din itong gagawin. Tinext ko muna yung katrabaho ko sa milktea shop na malelate ako ng mga isang oras dahil nga dito. Mabuti naman at pumayag daw ang amo namin, dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ko bilang working student.
Dumiretso kami sa bahay nila Athena para doon gumawa ng project at don nadin ako mag dinner. Pagkadating namin ay nagluluto pa so sabi ko kay Athena na umpisahan muna namin ang sketching dahil isa to sa mga pinakamahirap gawin. Ako ang taga drawing since eto naman taga ang talent at hilig ko. Si Athena naman ay nag cocontribute ng ideas para sa design or style ng bahay na gagawin namin, the rest ako na ang pinag iisip nya dahil don naman daw ako magaling.
Lumipas ang oras at naumpisahan na namin ng konti yung sketch, nang dumating ang kambal ni Athena, si Kenjie. Oo sya yung isa sa mga pinagtitiliian ng mga babae don sa school namin. At isa din sya dun sa tatlong lalaki na nakita ko sa may field kaninang umaga.
"Hi Kenjie," pagtawag ni Athena sa kambal nya na mukhang tamad na tamad.
Nang magtama ang paningin namin ay dumaan ang gulat sa mukha nya, at kahit ako nagulat ng bigla nyang ngitian at kausapin.
"Hi Gabby," nginitian ko lang sya ng tipid ang kunyaring nag sketch ulit para lang makaiwas sa tingin nya.
Doon na din ako pinagdinner ni Tita Amy, sinubukan kong tanggihan pero masyadong mapilit si Tita at ginatungan pa ni Athena kaya wala na akong nagawa. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako dahil late na ko ng 30 minutes ulit sa milktea shop!
"Sige po, mauna na po ako, salamat," tinanguan at nginitian lang nila ako.
"Take care hija, bukas dito ka ulit mag dinner ha?" tumango na lang ako dahil gusto ko na talaga umalis.
Hinatid ako ni Athena sa may labas ng gate nila at hinihintay yung cab na tinawagan nila para makalabas ako ng safe dito sa village nila. Pero wala pang ilang minuto ay may tumawag sa pangalan ko.
"Gabby, hatid na kita,"
:>>>

YOU ARE READING
Broken Trust
RomansKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.