Two

28 4 1
                                    


Gabby's POV

"Ah hindi na," pagtanggi ko sa alok ni Kenjie.

"Delikado na sa daan, kaya hahatid na kita," pamimilit pa nya.

Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil sa tagal ko ng pumupunta sa bahay nila at umuuwi ng gabi ay ngayon nya lang ako inalok ng home drive.

"Kaya ko na ang sarili ko, at tsaka may cab naman na papunta na dito," pagpipilit ko rin.

"Pwede ko namang sabihin don sa driver-"

"Hindi na," I cut him off. Hindi na sya nakasagot dahil dumating na rin ang cab na inarkila ni Athena. "Mauna na ko bes," bumeso ako sa kanya at tsaka tumingin kay Kenjie na nakabusangot na ang mukha.

"Take care, see you tomorrow," Athena said.

Tinanguan ko na lang sila at tsaka ako sumakay sa cab papuntang milktea shop. Si Athena ang nagbayad ng cab ko pero sabi ko ay ako na pero ayaw nya talaga. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na ako sa milk tea shop.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala masyadong costumers. Nginitian ko si Nicca, katrabaho ko at tsaka dumiretso sa banyo para magpalit ng uniform. Pagkatapos noon ay pumunta na ako sa cashier dahil don ako nakaassign ngayon.

Masyadong kilala ang milk tea shop na ito kaya hanggang gabi ay bukas kami. Dahil mas madaming costumer kapag gabi. Kadalasan ay puro kabataan ang nandito.

Ilang oras pa ang lumipas at dumagsa talaga ang costumers. Naging abala ang lahat, madami kasing nag ninight shift dito malapit sa milk tea shop kaya dito nila naiisipan muna tumambay muna bago sila pumasok sa mga trabaho nila.

"Good evening ma'am," bati ko sa kanya.

"One large wintermelon milktea, 50 percent of sugar," sabi nya habang nakatingin sa menu. " And one slice of egg pie, dine in."

"Let me repeat it ma'am, one large wintermelon milktea 50 percent of sugar and one slice of egg pie," paguulit ko sa order nya. "Total of 150 pesos ma'am," inabot nya ang bayad nya.

"I received 200 pesos, and here's your change ma'am, 50 pesos," sabi ko dahil recorded ang bawat sinasabe namin.

Hanggang sa mag alas dose na at magsasara na kami.

Pagkadating sa bahay ay naligo ako at namahinga, tiningnan ko saglit ang sketch na ginawa namin kanina at nakitang wala namang mali don ay tsaka ko tinago. Nag scroll ng konti sa ig at tsaka natulog.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapaghanda na sa pagpasok, habang kumain ay naisipan ko din ituloy ang sketch namin para hindi sayang sa oras, Friday ngayon kaya jogging pants ang suot ko at yung t-shirt na may logo ng school namin.

Palabas na ako ng bahay ng biglang mag ring ang cellphone ko.

*UNKNOWN NUMBER*

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko dahila baka kung sino lang yon, pero bandang huli ay sinagot ko rin.

[Hello?] agad na nanlaki ang mata ko ng mabosesan ko kung sino ang tumatawag.

Wtf?!

[Ahm Gabby, where are you? Andito ko sa harap ng apartment mo,] dagdag nya pa kaya lumabas nako ng apartment ko at nakita ko si Kenjie sa tapat ng kotse nya at hinihintay ako!

Broken TrustWhere stories live. Discover now