Twenty Eight

4 1 0
                                        


Gabby's POV

"Grabe, last school year na natin to dito sa BSU," Athena said, ito na kasi ang huling taon namin na mag-aaral kami dito.



Graduating na naman kaming lahat, at eto kaming lahat sa cafeteria. Mabuti na lang at lagi kaming may sabay-sabay na sched ng lunch.



Hindi ko sila pinapansin dahil tinatapos ko pa ang plates ko dahil bukas na ang pasahan.



"Hey, okay ka lang?" tanong ni Kenjie pero tumango lang ako, hindi ko siya nililingon.



Ilang minuto pa kaming nanatili don sa cafeteria at tsaka kami bumalik sa kanya-kanya naming klase.



Sabay kami ni Dion dahil blockmate ko siya, okay na kaming dalawa simula nang mag-umpisa ang college life namin.



Okay na rin kami ni Mama pero hindi na kagaya ng dati. Pagkadating namin sa room ay nandon na ang Prof namin, agad naman akong nagtaka dahil maaga pa ng sampung minuto ay nandito na siya.



"Oh sorry, hindi ba kayo nainform na pinaaga ko ang klase ko dahil kailangan natin maghabol," umiling lang kami ni Dion. "Osige, pumasok na kayo," agad naman kaming dumiretso sa upuan namin.



Nang matapos ang klase namin ay nagpasama muna ako kay Dion sa bilihan sa school supplies malapit sa may BSU para bumili ng sketch pad at tsaka lapis, ubos na kasi ang sketch pad ko.



Tinext ko muna si Kenjie, nagpaalam ako na may bibilhin lang.




To: Kenjie<33

Hi, bibili lang akong sketch pad. Kasama ko si Dion.




"May gagawin ka ba after this?" tanong ni Dion sa'kin habang namimili ako.



"Wala naman, bakit?" tanong ko, hindi siya nililingon.



"Kain sana tayo, libre ko," tumango na lang ako bilang sagot. Wala naman talaga akong gagawin, at mamaya pa ang uwian nila Kenjie.



Pagkatapos ko magbayad ay dumiretso na kami sa mall at don kumain. Almost dinner na rin naman kaya kanin na rin ang kinain namin.



Sa Max's kami kumain, gusto daw kasi niya ng medyo tahimik na ambience.



We just ordered regular fried chicken, chicken sisig and rice and iced tea for the drinks.



"Okay lang ba kayo ni Kenjie?" biglang tanong niya sa'kin habang kumakain kami.



I sipped on my glass before I answer.



"Bakit mo naman natanong?" curious na tanong ko.



Siguro ay napapansin niya na medyo iniiwasan ko si Kenjie ngayon. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam, bigla na lang ako nawalan ng gana kapag kasama ko siya.



Hindi naman sa wala na kong naramdaman para sa kaniya, hindi ko lang talaga alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot na baka maulit ulit yung nangyari.



"Wala naman, parang ang cold niyo lang kasi sa isa't-isa ngayon," sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.



"Normal naman siguro yon no?" sabi ko na lang.



He just shrugged and continue eating.



Broken TrustWhere stories live. Discover now