Thirty Two

4 1 0
                                        


Gabby's POV

"Take a seat Engineer Menchavez," hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang makakasama ko sa project na ito.



Pinagmasdan ko ang reaksyon niya pero sobrang kaswal lang niya! Si Engineer Forte at si Leni naman ay walang ideya sa relasyon naming dalawa ni Kenjie.



Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko kaya naman dahan-dahan akong huminga para kumalma.



"Engineer Menchavez, meet Architect Salazar," lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa narinig.



"I already know her," agad na nanlaki ang mga mata ko at ganon din si Leni at si Engineer Forte. Marahil ay nagtataka.



"Really? How?" usisa naman ni Leni.



"She's my batchmate, in BSU, right Architect Salazar?" paano niyang nagagawa maging kaswal sa harap ko at ng mga kasama namin samantalang ako e ramdam na nagbubutil na ang pawis?!



"Y-yeah, we know each other," sagot ko na lang.



"That would be great, since kakilala niyo na pala ang isa't-isa mas mapapaganda niyo ang project na ito," Engineer Forte said.



"Oo naman, basta ba hindi ako iiwan ni Architect Salazar," mahihimigan mo ang pagiging sarkastiko niya! Kumunot naman ang noo ng dalawa naming kasama kaya binawi ni Kenjie ang sinabi niya. "I mean, I can't do it all alone,"



Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko! Baka kapag sumagot ako ay barahin ako ni Kenjie.



Ramdam na ramdam ko ang pagiging sarkastiko niya sa bawat salitang bitawan niya. At alam ko naman na may sama siya ng loob sa'kin.



Pero kahit ganon ay nagagawa pa rin niya maging professional sa harap ko at sa harap ng ibang tao.



Right Gabby, you need to be professional too.



"Mas mabuti siguro kung mag-site visit muna kayo, since hindi pa nakikita ni Architect Salazar ang lugar," suggest ni Engineer Forte.



Tumango naman kami, so ibig-sabihin ay alam na ni Kenjie ang lugar ng site.



Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang malaman na sa Bulacan pala ang lupa na pagtatayuan ng bahay.



Sana naman ay nagkakamali lang ako.



Bumiyahe na kami patungo sa Bulacan. Sinundan ko lang si Kenjie dahil nagbukod kami ng sasakyan. Alangan namang sa isang sasakyan lang kami sumakay.



Pamilyar sa akin ang daan, shit hindi pwede! Pero malaki rin ang possibility na dito lang din ang daan at dito lang din sa village na ito pero iba ang lupa.



Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating na kami.



Agad na nag-flashback sa akin ang lahat, ang masasaya naming ala-ala. May mga times pa na sinisigaw namin lahat ng sama ng loob namin. Palibhasan kasi noon ay bibihira pa ang nakatayong bahay malapit sa lupa na ito. Pero ngayon ay yung lula na lang na iyon ang bakante.




"What can you say?" bumalik lang ako sa katinuan nang biglang magsalita si Kenjie sa gilid ko.



"Well, nice place," sabi ko na para bang wala kaming naging magandang ala-ala doon! "Bakit?"



Napakunot ang noo niya, marahil ay nagtataka sa tanong ko.



"Bakit mo binenta?" tanong ko ulit.



"I already told you, masyadong malayo ito kila Mom," sagot niya.



Pero alam kong hindi lang iyon ang dahilan, gusto kong maintindihan kung bakit.



"So, ready ka na ba mag-design?" tanong niya kaya naman napatango ako.



"Of course. Anyway, sino ba ang kliyente natin?" I asked.



"Kailangan mo pa bang makilala?" I scoffed on his answer.


"Syempre, kailangan ko rin siyang tanungin sa mga gusto niyang gawin dito sa ipapatayo niyang bahay," I reasoned out.



"Well, I already talked to her, and she said ikaw na raw ang bahala," my brows furrowed.



Natawa naman ako at nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.



"What?" kunot noong tanong niya.



"Seriously Engineer Menchavez, am I going to design a house without talking to our client?" sarkastikong sabi ko at nakita ko namang sumeryoso siya.



"Okay, if you want to talk to her, go to Spain, she's in there," mas sarkastikong sabi niya kaya natigilan ako.



Tinalikuran na niya ako at iniwang nakanganga. Seriously?



Sumakay na siya ng kotse niya at tsaka iniwan ako!



I scoffed in disbelief. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay na rin sa kotse ko at bumalik sa firm.



Nang makabalik ako sa firm ay in-assist na ako ni Leni papunta sa magiging opisina ko.



I looked around the room, it was simple. White ang pintura nito at kulay itim naman sa mga border. There was a bookshelf too, napangiti ako. Madadala ko na rito ang iba kong libro. May dalawang upuan sa harap ng lamesa ko, at may maliit naman na couch malapit sa may pintuan. May C.R na rin dito at may maliit na sink, may water dispenser din. Kumpleto ang mga gamit, napatango-tango ako.



Binuksan ko ang bintana na may blinds curtains, agad na sumalubong sa akin ang matataas na buildings katabi ng building ng firm.



Nilapag ko muna ang blueprint na hawak ko at tsaka ako naupo sa swivel chair.



Ang sarap sa pakiramdam, na ang dating pangarap ko lang ay ngayon ay natupad na.



Well, naging architect naman ako sa States, a private architect, for a short time, it was an experience for me.



Iba pa rin ang pakiramdam na nasa loob ka ng isang firm.



Habang nagmumuni-muni ay may biglang kumatok kaya napa-ayos ako ng upo sa swivel chair.



Lalo akong napa-ayos ng upo nang iluwa non si Kenjie, tinanguan ko siya para magpatuloy sa sa pagpasok.



"Here's the info of our client, just jn case you want to contact her," sabi niya at naglapag ng isang folder sa desk ko.



Tumango ako at kinuha ang folder, at pinag-aralan ang info ng client namin.



Monica Eunice Morales
25 years old
Model



Napakunot ang noo ko nang makita na pamilyar ang pangalan niya. Nagtataka naman akong tumingin kay Kenjie.



"She's one of the sisters of Sir Morales," Kenjie said.



"Really? Wow," manghang sabi ko. "Thank you, Engineer Menchavez, you can go now,"



"Kumain ka na ng breakfast?"



:>>>>>





Broken TrustWhere stories live. Discover now