Thirty Four

5 1 0
                                    


Kenjie's POV

"Professional ka ba naman sa trabaho?" tanong ni Doms. Nagkayayaan kasi kaming tatlo na uminom tutal pare-pareho lang naman kaming walang trabaho bukas.



Magkakaiba ang firm na pinasukan namin, para naman daw may challenge kaming tatlo.



Para daw matuto kaming makihalubilo sa ibang tao, nang hindi raw puro mukha ng isa't-isa ang nakikita namin.



"Oo naman," sagot ko lang.



"Weh? Baka naman pinopormahan mo ulit?" panunukso naman ni Miguel, inambaan ko naman siya kunwari ng suntok.



"Gago, bakit ko naman popormahan yon?" sabi ko na lang.



"Ewan namin, baka kasi bumalik yung pagmamahal mo sa kanya nung bumalik siya," pang-aasar naman ni Doms.



"Hindi naman yon nawala," bulong ko at mukhang hindi naman nga narinig nung dalawa.



May sarili na silang bahay na dalawa, minsan sa bahay ni Doms si Athena natutulog. Si Miguel naman ay kasama na ang girlfriend niya. Ako na lang talaga ang wala, walang bahay, walang jowa...na hindi ko naman kailangan.



Minsan nga ay napapag-usapan na namin ang tungkol sa kasalan, na nauuwi sa tuksuhan nila sa'kin.



Payag naman na si Mommy na mag-settle si Athena since nasa tamang edad naman na siya.



Nakailang bote pa kami bago namin naisipan na maghiwa-hiwalay na. Sa condo ko ako dumiretso dahil mas malapit ito sa village nila Doms.



Pagkadating ko sa condo ay agad ako dumiretso sa banyo para maligo. Medyo nahihilo ako dahil medyo tinamaan ako sa naging inuman naming tatlo.



Bago ako mag-toothbrush ay sumuka muna ako, para mabawasan ang alal sa katawan ko. Hindi rin kasi maganda ang hindi sinusuka ang ininum na alak, beer pa naman.



Pagkatapos ko maglinis ay humiga na ako sa kama ko para mamahinga. Nag-scroll muna ako sa IG ko, dahil hindi pa ako inaantok.



May kung anong bumulong sa akin at nakita ko na lang ang sarili kong nasa account ni Gabby.



We didn't unfollow each other, ang alam ko lang ay nag de-activate siya ng IG account niya pagkaalis niya.



Sobrang lowkey niya pa ring tao, zero post pa rin siya.



Hindi na rin ako nagtagal sa account niya dahil wala naman akong makikita ron.



Binaba ko na ang cellphone ko sa side-table at tsaka pumikit.



Napabangon ako nang biglang may maramdaman ako sa tiyan ko na hindi maganda. Nasusuka na naman ako!



Dumiretso agad ako sa banyo para sumuka, pagkatapos ako nag-mouthwash ako.



Kinuha ko ang sweater ko at tsaka ito sinuot, kinuha ko rin ang susi, wallet, at cellphone ko at tsaka lumabas.



Pumunta ako sa isang malapit na convenient store malapit sa building ng condo ko.



Bumili ako ng cup noodles, at tsaka biogesic at tubig.



Nilagyan ko ng maiinit na tubig ang cup noodles ko at tsaka hinintay na maluto ito.



Broken TrustWhere stories live. Discover now