Thirty Seven

5 1 0
                                        


Kenjie's POV

"Engineer tara kain muna tayo," tuluyan nang hindi nakasagot si Gabby ng biglang sumulpot si Kalvin sa likod namin.



Kalvin was my client, ako ang gumawa ng bahay niya. At sa kanya ko naman binili ang kotse ko.



"T-tara," yaya niya at tsaka tumayo.



Dumiretso na kami sa mga pagkain. Tahimik na kumukuha ng pagkain si Gabby, habang ako naman ay pinagmamasdan lang siya.



Nang matapos kumain ay bumalik na kami sa table namin.



"Nakausap mo na ba ulit si Monica?" tanong ko nang maalala ko ang final design ng bahay.



"Yes, pumayag naman siya na iyon na ang final design. Pero ipa-pakita ko pa rin po sa inyo," sagot naman niya.



Hindi na kami nag-usap pa at kumain na lang.



Nang matapos ang party ay nag-aya ng inuman si Kalvin, nahihiya naman akong tumanggi kaya naman pinagbigyan ko na siya.



"Uhm, pass ako. May trabaho pa ko bukas eh," sabi ni Gabby.



"Gabby naman, ngayon lang naman tayo nagkita eh. Mamaya ka na umuwi," pamimilit ni Kalvin.



"Pero-"



"Sige na Gabby, kahit konti lang." pamimilit pa rin ni Kalvin.



Alam kong dahil sa akin kung bakit siya tumatanggi. Ang akala siguro niya ay magagalit ako kapag nasobrahan siya sa inom ngayon at late makapasok bukas.



"Sige na nga," wala na siyang nagawa.



Beer lang ang iniinom niya dahil allergic siya sa hard drinks.



"Laro tayo, truth or dare!" medyo lasing na sabi ni Kalvin.



Malapit na gumabi kaya medyo tinatamaan na si Kalvin. Ako naman ay medyo nahihilo na rin dahil medyo marami na kaming naiinom. Si Gabby naman ay tahimik lang.



Pina-ikot na ni Kalvin yung bote, at unti-unti itong huminto sa tapat ni Gabby.



"Truth or dare?" tanong ni Kalvin.



"Truth,"



"Naging kayo ba ni Engineer?" lumaki ang mata ko sa narinig, tiningnan ko si Gabby at halatang nagulat din siya.



Matagal na natigilan si Gabby, habang ako naman ay hinihintay kung sasabihin ba niya ang totoo o hindi dahil baka kapag sinabi niya ang totoo ay hindi na maalala ng kaibigan dahil sa kalasingan.



"Oo," sagot ni Gabby, halatang kinakabahan.



Nakita kong dumaan ang gulat sa mukha ng mga kasama namin.



Ako naman ay hindi inaasahang aaminin talaga niya iyon, si Gabby naman ay mariin na pumikit.



"N-next na," sabi ni Gabby at inagaw yung baso kay Kalvin pero pinigilan siya ni Kalvin.



Broken TrustWhere stories live. Discover now