Twelve

4 1 0
                                    


Kenjie's POV

"Ano?" kunot noong tanong ni Gabby, at natawa naman ko sa reaksiyon niya.



"Dinner date, sa bahay," nakangiting sabi ko sa kanya. "Mom asked me to invite you on a dinner date," I added.



"Kung hindi naman sinabi ni Tita Amy hindi mo naman ako iimbatahan," I tsked. Nag-iinarte pa siya e.



"No it's not like that okay?" malambing na sabi ko sa kanya. "Nataon lang na iniinvite ka rin niya sa bahay,"



"At bakit naman niya ako iimbitahan?" kunot noong tanong niya.



"Because she wants to?" patanong ko ring sagot. "And she already knows na nililigawan-"



"Ano? Bakit mo naman sinabi yon?" inis na tanong niya.



"Because that's the true," nakangiting sabi ko sa kanya at nakita ko naman kung paano siyang napairap.



"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Alam nating pareho na hindi mo ko nilliligawan," sabi niya.



"Hindi pa nga, kasi hindi ka pa pumapayag," nakangising dagdag ko at mas lalong kong nakita ang inis sa mukha niya. "Bakit nga ba ayaw mong pumayag na ligawan kita?" dagdag kong tanong.



"Dahil alam nating pareho na hindi totoo ang nararamdaman mo sakin," diretsang sabi niya at natigilan naman ako.



Hindi ko alam kung bakit biglang dumapo sa puso ko ang kaba. Basta ang alam ko lang totoo yung sinabi niya, pero paano? Paano niyang nahalata yon?



"Kita mo, hindi ka makasagot," bumalik lang ako sa reyalidad nang bigla siyang magsalita.



"San naman nanggaling yan?" tanong ko agad para hindi siya makahalata. "I really like you Gabbby, I know it's hard to believe but I really do," nakita ko naman kung paano siyang natigilan sa sinabi ko.



"Kaya please, give me a chance to prove my feelings to you," dagdag ko.



Hindi siya nakasagot, napangiti naman ako dahil doon. Nararamdaman ko na na may gusto na siya sa akin pero in denial lang siya. Pilit niyang nilalabanan yung nararamdaman niya pero ang totoo ay gusto na niya ako.



Say the magic words please.



"Lakas talaga ng amats mo no? Kung wala ka sabing mapagtripan na iba huwag ako," maglalakad na sana siya paalis pero hinabol ko siya...



"Ayoko ng iba, ikaw ang gusto ko," malambing na sabi ko, sumisilay ang mga ngiti sa aking labi.



"Pwes ako hindi kita gusto," mariing sabi niya kaya unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.



"Please Gabby, just give me a chance please," nagmamakaawang sabi ko at nakita ko naman ang irita sa mukha niya.



"You just have to answer on my two questions, have dinner with me and be my girlfriend," sabi ko at tsaka siya tumawa, hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.



"Sige, papayag akong makipag dinner sayo, pero gagawin ko lang yon dahil diyan sa nagawa ko sayo. Hindi dahil nakikipag date ako," sagot niya at tsaka siya naglakad pabalik sa room nila.



Broken TrustWhere stories live. Discover now