Gabby's POVNakita ko kung paanong natigilan si Kenjie sa sinabi ko. Natawa naman ako dahil nakatulala siya at hindi alam ang isasagot sa'kin.
Pero mas nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang sobrang higpit. I hugged him back.
"Thank you Gabby," he said, napangiti naman ako. "It's okay for me to wait, because you are worth to wait," sabi niya at tsaka siya kumalas sa yakap namin.
Ang totoo niyan ay wala pa talaga akong nararamdaman para sa kanya, kung meron man hindi pa ganoon kalalim. I just want to know him more, and I wanted to prove to myself na hindi lahat ng lalaki sasaktan at papaiyakin lang tayo.
Hindi na rin kami nagtagal doon dahil gabi na rin, bumaba na kami at magpapaalam na ako kila Tita Amy at Tito Alfred.
"Thank you po Tito, Tita," I sincerely said.
"It's not a problem Gabby, you are always welcome here sa bahay, lalo na at ikaw ang future girlfriend ng anak ko," sabi ni Tita Amy nang may nanunuksong paningin.
Natawa naman kaming lahat. "Mauna na ho ako, salamat po ulit," bumeso lang ako sa kanilang lahat at tsaka ako hinatid ni Athena sa may gate dahil si Kenjie na raw ang maghahatid sakin pauwi.
"Text ka pag nakauwi ka na ha?" paalala sakin ni Athena at tumango naman ako.
Sumakay na ako ng kotse at tsaka kami umalis.
🌼🌼🌼
Lunes na nung magkita ulit kami ni Kenjie, I also follow him back on Instagram. He's really that popular huh? He has a lot of followers on Instagram, around two thousand followers.
Sinabi ko sa kaniya na huwag na niya akong sunduin dahil dadaan pa ako sa milk tea shop para mag file ng leave. Gusto ko munang mamahinga kahit mga isang linggo lang, may ipon naman ako kaya hindi ko masyadong iintindihin ang baon ko.
Pagkapasok ko sa milk tea shop ay may iilan na costumers ang nandoon.
"Oh, aga mo naman yata ngayon," nagulat ako sa pagsulpot ni Kalvin sa harap ko.
"Ah, may sasabihin lang ako kay Ma'am Gladys," nakangiti kong sabi.
"Ah, osige," sabi niya kaya naman nagpatuloy na akong pumasok sa office ni Ma'am Gladys.
"Good morning, ma'am," sabi ko at tsaka nagtuloy sa loob.
"Oh hi, how may I help you?" mukhang nakalimutan na niya agad. "Oh haha, I forgot, magpa-file ka nga pala ng leave, I'm sorry," natatawang sabi niya.
Pagkatapos namin mag-usap ni Ma'am Gladys ay dumiretso na ako sa school.
Pagkadating ko ay wala pa gaanong tao, napatingin ako sa relo ko at nakitang maaga pa pala, kaya naisipan kong lumabas muna ng school at pumunta sa sementeryo.

YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.