Twenty Seven

3 1 0
                                    


Gabby's POV

"Happy birthday bes," masayang bati sa'kin ni Athena.



Today is my 18th birthday, and almost two years in a relationship with Kenjie. Our relationship went well, we tell to each other everything. No secret, no lies. Kasi naniniwala ako na hindi mo mahal ang isang tao kapag nagsisinungaling o may tinatago ka sa kanya.



"Thank you Athena," I hugged her.



Simpleng selebrasyon lang ang gusto ko, dito kila Kenjie ginanap ang birthday ko dahil nagpumilit si Tita Amy. Gusto nila na magkutilyon ako pero ayoko, unang-una wala naman akong masiyadong kaibigan, at isa pa, wala na rin naman yung lalaking gusto ko magsayaw sa'kin.



Andito ang mga kaibigan namin. Sina Dion, Miguel, Mia, Doms at pati na rin si Ate ay nandito.



"Hi love, happy birthday," inabot sa'kin ni Kenjie ang regalo niya at tsaka humalik sa pisnge ko.



Hindi ko muna 'to bubuksan, mamaya na lang.



"Thank you love," I answered.



Nagkainan muna kami at nagkwentuhan, at habang kumakain at nagkayayaan pa sila na uminom daw kami kahit kaunting alak.



Payag naman sj Tita Amy basta daw know our limitations.



"Cheers," tinaas namin ang mga baso namin at sabay sabay na ininom ang inumin namin.



May tequila don at beer, beer ang ininom ko dahil low tol ako kapag hard drinks ang ininom ko. Mas malakas ako sa beer kaya ito ang ininom ko. Samantalang sila ay puro tequila ang iniinom.



"Come on bes, isang shot lang naman," pamimilit sa akin ni Athena na tumagay ng isang shot ng tequila.



Ayoko namang nagmukhang KJ at isang shot lang naman iyon kaya naman kinuha ko na ang shot glass sa kamay niya at ininom yon.



Agad na nalukot ang mukha ko nang malasahan ang alak, ang pangit talaga ng lasa ng tequila. Agad akong kumuha ng asin at lemon para mapalitan non ang lasa ng alak.



Mag-aalas dose na nang matapos kami sa kwentuhan at inuman. Lasing ang karamihan sa kanila kaya naman dito na sila pinatulog ni Tita Amy.



Si Ate at si Mia ay sa guest room, ako naman ay katabi ni Athena. Si Doms at Miguel ay sa kwarto ni Kenjie.



🌼🌼🌼

"Wala ka bang balak ibenta to?" tanong ko kay Kenjie habang nakaupo kami. Andito kasi kame sa lupa niya sa Bulacan.



"Wala ah, diba nga dito na tayo magtatayo ng bahay in the future so what's the matter of selling this?" tanong niya.



"Wala lang, I'm just wondering if dito mo ba talaga gusto magpatayo ng bahay?" sabi ko naman.

"Hinding-hindi ko 'to bebenta, unless maghiwalay tayo," makahulugang sabi niya.

"If that..will happen," nakangiting sabi ko.



"I don't want to lose you," biglang sabi ni Kenjie habang hinahaplos ko ang buhok niya. Nakahiga kasi siya sa hita ko. "Again." he added.



Broken TrustWhere stories live. Discover now