Six

7 2 0
                                    


Gabby's POV


Hindi na hinintay ni Kenjie na sumagot ako dahil tinalikuran na nya ko. Naiwan akong nakatingin sa kawalan dahil sa sinabi nya.


Mabuti naman at naisipan na nyang tigilan ako, mabuti at natauhan na sya.


"Bes, okay ka lang?" bumalik lang ako sa wisyo nang tawagin ako ni Athena.


"Oo naman, sorry pala kanina," sabi ko.


"Amoy yosi ka," seryosong sabi niya sakin. "Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag ka-"


"Isa lang naman," pagdadahilan ko pa.


Napairap na lang sya at tsaka kami pumasok sa loob ng classroom. Natapos na naman ang maghapon at puro lang discussion, wala kami masyadong gawain ngayon kaya hindi hectic sa sched ko.


Naabutan na namin sa parking lot yung tatlo, nagkukwentuhan. Pansin ko ang pagiging tahimik ni Kenjie, at hindi ako nakokonsensya sa ginawa kong pag wawalk out kanina para lang matauhan sya sa mga kalokohan nya.


"Uhm, magcocommute na lang ako," pangunguna ko na sa kanila.


"Ha? Bakit?" gulat na tanong ni Athena. "Okay lang naman samin na ihatid ka, diba Kenj?"


Nagdasal pa ko na sana huwag na pumayag si Kenjie, dahil sobrang awkward para saming dalawa lalo na sa nangyari kanina.


"Oo naman, sumabay ka na samin Gabby," hindi nya ko tinitingnan habang sinasabi nya yon sakin. I sighed as a sign of defeat, ayoko namang isipin nila na nag iinarte ako.


Nagpaalaman muna kami sa isa't isa bago sumakay sa kotse at umalis. Tahimik lang kaming tatlo habang nasa biyahe, seryosong nagmamaneho si Kenjie, si Athena naman ay nakikiramdam lang saming dalawa ng kapatid nya, at ako naman, sa labas lang ng bintana naka tingin dahil wala naman akong sasabihin.


"Bes," lumingon ako nang tawagin ako ni Athena. "Mag kaaway ba kayo?" tinuro nya si Kenjie, nakakunot pa ang noo.


Tiningnan ko muna si Kenjie at nang mapansing nasa daan ang atensyon nya ay tsaka ko sinagot si Athena.


"Natauhan na ata," simpleng sabi ko na mas lalong nagpakunot ng noo nya. "Ang sabi nya titigilan na daw nya ang pangungulit sakin," dagdag ko.


"Really?" mahinang tanong nya dahil baka marinig kami ni Kenjie na pinag uusapan sya. Tumango naman ako. "Bakit ano ba kasing sinabi mo?"


Sasagot na sana ako nang biglang huminto ang kotse at non ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng milk tea shop.


"Ahm, tawag na lang ako mamaya," sabi ko kay Athena. "Salamat sa paghatid,"


"Welcome, ingat ka," bumeso pa si Athena sakin.


Nagtama naman ang tingin namin ni Kenjie sa salamin sa harap, ngumiti ako ng maliit at tsaka sya tinanguan at tsaka ako lumabas. Pagkapasok ko sa milk tea shop ay madaming costumers, agad naman akong dumiretso sa locker ko at nagpalit ng damit.


Broken TrustWhere stories live. Discover now