Gabby's POV"Ano Gabby hindi ka pa ba tapos diyan?" sigaw ni Ate sa labas ng kwarto dahil kanina pa ko nandito sa loob at namimili ng isusuot ko para sa movie date namin ni Kenjie.
"Eto na!" sigaw ko pabalik. Atat na atat?
Her mouth literally formed an 'o' nang lumabas ako mula sa kwarto. Ang OA naman, parang puff sleeve at high waisted jeans lang naman yung suot ko eh.
"Ang ganda talaga ng lahi natin," I tsked.
"OA ha?" inis kunwaring sabi ko. "Oh ano? Bagay ba?" tanong ko dahil hanggang ngayon ay conscious pa rin ako sa itsura ko kahit kulang isang oras akong nag-ayos dahil hindi ko alam kung ano ang isusuot ko sa mga pinahiram ni Ate.
"Oo naman no, damit ko ata yan?" pang-aasar pa niya.
Kanina kasi ay nagputakan pa kami, bakit daw kasi ayaw ko bumili ng mga gantong klase ng damit eh kumikita naman daw ako, ang sabi ko naman wala akong panahon ubusin yung sweldo ko noon sa mga pampaarte sa katawan. At tsaka hindi naman ako mahilig sa mga gantong damitan.
Sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok, si Kenjie na siguro.
Si Ate ang nagbukas at iniluwal nga nuon si Kenjie.
"Hi," bumeso pa siya kay Ate. Ang sipsip!
He was wearing a gray t-shirt partnered with a black pants. Ang simple lang din niya manamit.
"Let's go?" tanong niya at tumango naman ako, kinuha ko lang yung handbag na pinahiram sa'kin ni Ate at tsaka kami nagpaalam sa kaniya.
"Take care," she said.
🌼🌼🌼
"I already bought a ticket for us," sabi niya, medyo naiilang. "Sorry hindi na kita natanong kung anong movie ang gusto mo pero okay lang din naman kung-"
"Okay na yan," I cut him off. Rom-Com ang genre ng napili niyang movie, hindi ako masiyadong mahilig sa Rom-Com pero nang makita ko yung ibang movie ay mas pinili ko na lang ang Rom-Com, ayoko lalo ng mga actions.
I'm into horror movies, minsan naman fantasy, ewan ko mas may thrill eh.
Pumila na kami dahil medyo mahaba ang pila sa movie na napili namin.
Habang nasa plia kami ay bumili muna siya ng popcorn at drinks, pagkabalik ay inabot niya sa'kin yung para sa'kin at tsaka bumalik doon para siguro kuhanin yung kaniya.
Habang hinihintay ko siya ay may lumapit sa'kin na lalaki.
"Ahm miss are you alone?" tanong niya sa'kin, sasagot na sana ako nang biglang...
"No, she's not alone," seryosong sabi ni Kenjie kaya naman napabaling sa kaniya yung lalaki. "So get lost," dagdag pa niya kaya naman agad umatras yung lalaki kanina habang nakataas pa yung dalawang kamay, sinasabing sumusuko na siya.
"Next time, do not talk to strangers," seryosong sabi ni Kenjie kaya naman kumunot ang noo ko.
"Hindi ko naman siya kinausap, siya ang lumapit sa'kin dito at tinanong ako," sabi ko naman.
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.