Kenjie's POV
"Ang aga mo naman," bungad sa'kin ni Gabby pagkalabas niya ng banyo.
Sobrang simple lang niya, nakasuot lang siya ng taslan shorts at tsaka big shirt.
"Eh wala naman akong gagawin sa bahay eh," sabi ko naman. "At tsaka gusto na kita makita eh,"
Narinig ko naman na impit na tumili ang Ate ni Gabby at natawa naman ako, si Gabby naman ay agad na sinaway ang Ate niya.
Nag-ayos lang siya at tsaka kami nag-umpisang kumain ng dala ko, nagulat rin si Gabby nang makitang may dala akong bulaklak para sa kan'ya.
"Kamusta na yung pakiramdam mo?" tanong ko habang kumakain kami ng ice cream at tsaka cake, habang si Ate Gwen naman ay may kausap sa cellphone.
"Ayos na ko, salamat nga pala kagabi," sabi niya.
"Wala yon, ang sakit kayang makita na nasasaktan ka," sabi ko dahilan para lingunin niya ako. "You don't deserve all the pain you are feeling right now," I sincerely said.
"Thank you," sabi niya at tsaka hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko.
"Hoy!" nagulat lalo ako nang biglang sumulpot si Ate Gwen kaya naman agad na inalis ni Gabby ang kamay niya sa kamay ko. "Umalis lang ako saglit nag-HHWCC na kayo," sabay na kumunot ang noo namin ni Gabby sa sinabi niya.
"Anong HHWCC?" takang tanong ni Gabby at natawa naman si Ate Gwen.
"Holding hands while chika chika," Pft! Wtf? HAHAHA I tried to contain my laugh but I can't.
Nakita ko rin si Gabby na natawa kaya naman unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Tinitigan ko siya habang tumatawa siya. Ang saya saya niya tingnan, na para bang walang sakit na dinadala.
Yan ang deserve mo Gabby, happiness.
She deserves all the happiness that the world can give.
🌼🌼🌼
"Kailan tayo pupunta kay Daddy, Kenj?" tanong agad sa'kin ni Athena nang malaman niyang pinapapunta kami ni Dad sa kanya.
"I don't know, kapag hindi na tayo busy," sabi ko naman.
She giggled, she's seems very excited to go there. I know she misses our Dad.
"Excited na kong makita si Dad, and si Troy," masayang sabi niya. "Do you think papayagan tayo ni Mom?"
"Oo naman, why not?" kunot-noo kong tanong. Bakit niya naman kami hindi papayagan?
"Well, baka lang ayaw ni Mommy kasi nandon si Tita Trina," she said.
YOU ARE READING
Broken Trust
RomanceKenjie Menchavez was dared by his classmates to make Gabby Salazar fall in love with him in 30 days. But days goes by, he didn't notice he's the one who's falling in love with her.
