Chapter 44

3.3K 58 3
                                        

Cerra POV


      Dito na kami ngayon ni Lance sa restaurant, pareho kaming umiinom ng kape.

.

"Lance i'm sorry kung hindi ko pinaalam sayo ang tungkol kay Cassey." simula ko.


"Bakit nga ba hindi mo manlang sakin sinabi ang tungkol sa kanya? Bakit bigla mo kong iniwan ng walang paalam?"may hinanakit na tanong nito.



"Tinatanong pa ba yan, Lance baka naman nakakalimutan mo na may asawa ka. Ayokong makigulo pa senyong mag asawa Lance."


"Kahit na, di ba sinabi ko nun na hintayin mo ko at mag uusap tayo."


"Ou pero para saan pa ang antayin kita Lance? .May asawa ka at hindi ako yon, ako lang naman yung biglang dumating dun at nagpanggap na si Cloe. Ako yong pang gulo dun eh!"mangiyak-ngiyak na sabi ko, kahit pala ilang taon na ang lumipas masakit paring alalahanin ang nakaraan.


"Cerra kahit minsan hindi ka naging pang gulo samin. Bago ka dumating e magulo na ang pagsasama namin ni Cloe. Nagpapasalamat nga ako at dumating ka sa buhay namin ni Lexie." sabi ni Lance sabay hawak sa kamay ko.


"Lance!"piksi ko.


"Cerra kay tagal kitang hinanap, hindi mo alam kung gaano ako nangulila ng umalis ka ng walang paalam. Hinanap kita pero walang nakakaalam kung san ka nagpunta. Halos mabaliw ako ng mawala ka pero sinikap kong maging matatag para kay Lexie. Cerra mahal kita" madamdaming sabi nito.

"No! Lance hindi totoo yan" tanggi ko, hindi ako naniniwala sa sinabi niya.


"Cerra hindi ako nagsisinungaling mahal talaga kita, mula noon hanggang ngayon ikaw padin yung tinitibok ng puso ko.

"Nalilito kalang sa nararamdaman mo, hindi ako ang mahal mo si Cloe yon. Magkamukha lang kami kaya akala mo ako ang mahal mo.



"Hindi Cerra, ikaw talaga ang mahal ko at hindi si Cloe. Hindi dahil magkamukha kayo e nagkakamali na ko. Matagal ko din siyang nakasama buhat ng umalis ka pero ikaw parin ang tinitibok nito" sabi nito sabay turo sa dibdib.



"Pero Lance kasal kayo, ayokong maging kabit ako. Saka kawawa naman si Lexie pag hinayaan kong masira ang pamilya niya dahil sakin. Napamahal na sakin si Lexie at ayokong masaktan siya" sabi ko sabay tayo at akmang aalis na ko ng bigla niya kong yakapin.



"Cerra matagal na kaming hiwalay ni Cloe. Tanggap  naman yon ni Lexie. Hindi na bata si Lexie kaya naiintindihan na niya na talagang wala na kaming pag asang mag kabalikan ng mommy niya. Saka siguradong matutuwa yon pag nalaman niyang nakita na kita. Kaya please hayaan muna kong pumasok sa buhay niyong mag ina. Mahal na mahal kita Cerra. Please be my wife.


"Lance hindi ko alam ang sasabihin ko, matagal narin ang lumipas saka ayokong gumawa ng desisyon na hindi ko pinag isipang mabuti. Kaya maintindihan mo sana kung hindi ko pa kayang sagutin yan. Gusto kong maging maayos muna ang lahat bago ko magdesisyon."sabi ko sabay harap sa kanya.

.

"Sige hindi kita mamadaliin, hahayaan muna kitang makapag isip pero hayaan mo sana akong makasama kayo ni Cassey. Gusto ko rin kasing mapalapit sa kanya at kilalanin niya akong daddy."nakangiting sabi ni Lance.



Nginitian ko muna siya bago ko nagsalita. " Oo naman noh! Sigurado kong matutuwa siya pag nalaman niyang ikaw ang daddy niya."



"Thank's" sabi nito sabay yakap muli sakin. "Salamat at inalagaan mo si Cassey habang wala ako, promise mula ngayon aalagaan ko na kayong mag ina."

.

Nginitian ko siya sabay aya ko sa kanya.



"Halika na Lance, ipapakilala na kita sa kanya.



"Wait babayaran ko lang tong ininom natin." sabi nito sabay baba ng pera sa lamesa. "Let's go!" Aya nito pagkatapos.




Magkasabay kaming lumabas ng restaurant na yon na may ngiti sa mga labi.


........................


"Anak siya ang daddy mo!"mangiyak ngiyak na pakilala ko sa kanilang dalawa.


"Anak" lumuluhang sambit ni Lance sabay yakap sa anak namin.



"Daddy? Ikaw po ang daddy ko?"tanong ni Cassey.




"Oo baby ako nga ang daddy mo"



"Talaga po, kayo po talaga ang daddy ko?"mangiyak ngiyak na tanong ni Cassey.



Agad tumango si Lance saka niyakap ng mas mahigpit si Cassey.



"Yehey may daddy na ko. Barbie may daddy na tayo"masayang sabi nito sa manika.



"Oo ako nga ang daddy niyo."nakangiting sang ayon ni Lance sakanilang anak.




"Daddy yakap mo din si barbie."



"Ah o sige"sabi ni Lance saka nakangiting niyakap din ang manika



Masaya ko silang pinanuod na mag ama. Napakasarap pala sa feeling na makita ang mag ama mong parehong masaya na magkasama.



Hindi ko makakalimutan tong araw na to, dahil itong araw na to ang simula ng pagkakaroon ni Cassey ng buong pamilya. Natutuwa akong malaman na pareho kami ni Lance ng nararamdaman pero sa ngayon hindi pa ako handang tanggapin siya ng buong buo dahil hindi ko pa alam kung anu ang magiging reaksyon ng mama ni Lance saka ni Lexie. Pag nalaman ng mga ito ang tungkol saming mag ina.



Pero hindi ko naman sinasarado ang puso ko para mahalin si Lance. Mas pagtutuonan ko lang siguro ang anak namin, gusto kong makilala rin niya ang lola Martina  niya saka ang ate niya na si Lexie.



"Mama yakap mo kami" untag sakin ng anak ko.



"Ah oo" sabi ko sabay lapit sa kanila.



"Ui yakapin mo daw kami sabi ng anak natin".may pagkapilyong sabi ni Lance..



"Wag na kayo nalang magyakap"tanggi ko, mejo naiilang parin kasi ako kay Lance.



"Baby o ayaw ng mama mo na yakapin tayo" sumbong ni Lance sa anak namin.



"Mama yakap na"lambing ni Cassey. Kaya napilitan na kong yakapin silang mag ama.



Agad akong napahiwalay sa kanila ng may nagflash na camera.



Nilingon ko si Rose nakangiti ito habang hawak ang digicam nito.



"Ang cute niyo tingnan..oh guy's kukunan ko pa kayo ha! Say cheese!"sabi nito sabay kuha ng litrato samin.



A/N:.



Hello guys bakasyon niyo narin ba? Pasensya na kung putol yung una kong update nagloloko kasi si watty, ang totoo nga niyan pangatlong beses ko ng tinatype to, palagi kasing napuputol. Kahirap dahil wala akong kinokopyang notebook, kaya nahirapan akong mag update. Kaya please wag niyo po sanang kalimutang mag vote pagkatapos niyo itong basahin.





.......sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon