Chapter 4

4.9K 87 3
                                    

Dumating na ang araw na tatanggalin ang cast sa paa ni Cerra

"Mommy are you excited" tanong sa kanya ni Lexie

"Yes baby" nakangiting sagot ni Cerra

" Cloe halika na tatanggalin na yan ni doc" singit ni lance 

Gusto nitong buhatin siya pero tumanggi siya, kaya inalalayan nalang siya nito

Lumipas ang ilang sandali  at natanggal na ang cast sa paa niya. Umuwi na sila sa bahay nila lance. Masayang sinalubong sila ni Donya Martina..

"Congratulations CLoe" masayang bati sa kanya nito.

"Thank po!

"Ah ou nga pala dahil magaling kana , mabuti pa siguro kung magbakasyon muna kayo. Mas makabubuti yun para mapabilis ang pagbalik ng alaala mo" mungkahi ni donya Martina

"Tama sa rest house nalang natin sa tagaytay tayo magbakasyon, kaya lang ma sino ang mag aasikaso sa company" tanong ni lance

"Naayos ko na yon, pinagfile narin kita ng leave para naman makapagbakasyon kayong tatlo, so dont worry ako muna ang mamamahala sa company natin" nakangiting sagot nito kay Lance

"Thank's mo"

"So Dad ipapaimpake ko na ba kay yaya ang mga gamit ko?" excited na tanong ni lexie

"Yes baby, go to your yaya and tell her to pack your things" sagot ni Lance

"Yes dad" tuwang sabi ni lexie, saka nagmamadaling tumakbo papunta sa kusina kung saan nanduon ang yaya niya

" Lexie wag kang tumakbo baka madapa ka" sigaw ni lance

"Hayaan muna siya , excited lang ang anak mo....alam mo naman na naging busy siya sa school" sabi ni Donya Martina kay Lance..." Ah Cloe mabuti pang magpahinga ka muna siguradong napagod ka." 

"Ah sige po, excuse me" paalam ko kay Lance.

" Samahan na kita" alok sa kanya ni Lance

"Naku wag na malapit lang naman yung kwarto ko dito" tanggi ko.

"Lance hayaan mo na si Cloe kaya niya nayan,  tara sa library may importante akong sasabihin sayo" aya ni donya Martina kay lance

"Ah ok mom"

"Nakaupo na si Cerra sa kama niya...Nasa guest room na siya. Hindi sila magkasama sa kwarto ni lance..Inirequest niya yon nung umpisa palang na dumating siya sa bahay nila Lance. Nagtaka nga ito kung bakit gusto niyang humiwalay pa sa kwarto.........eh mag asawa naman daw sila.

Sinabi na lamang niya na naiilang siya, kahit pa noong wala pa siyang naaalala..Mahirap naman kasing makasama sa kwarto ang taong hindi mo naaalala, kahit pa sabihing asawa ko siya..Mabuti na lamang at pumayag ang mama ni Lance na sa guest room siya matulog habang wala pa siyang maalala...

Tumayo si Cerra at malungkot na tumingin sa labas ng bintana...mula dito makikita ang napakagandang hardin ng mama ni lance...iba't ibang flower ang nakatanim duon..Malungkot siya dahil hanggang ngayon hindi parin niya nakikita ang nanay niya.

Ngayong magaling na siya maaari na niyang hanapin ang nanay niya, hindi nga lang niya alam kung san siya mag uumpisa, napakalawak ng maynila. Tinawagan naman niya ang number na naka sulat sa sulat pero hindi na ito nagriring..

Mukang nagalit sa kanya ang tiya niya...ng hindi siya dumating sa usapan nila..

Kaya napakalaki ng problema niya..pano niya mahahanap ang nanay niya at pano nya sasabihin kila Lance na hindi siya si Cloe na hindi iniisip ng mga ito na masama siyang tao.

"Tok! Tok! tok!'

"Pasok bukas yan"

"Senyorita pinapaimpake na po ni sir yung mga gamit na dadalin niyo sa tagaytay" magalang na sabi ng katulong nila lance

"Naku wag na, kaya ko na yan..."tanggi ko

"Senyorita hindi po pwede baka mawalan po ako ng trabaho pag kayo ang pinagawa ko nito"

"Oh sige ikaw nalang gumawa niya pero sa isang kondisyon..wag mo na kong pinopo saka Cerra nalang...ah este Cloe nalang ang itawag mo sakin. muka namang magkasing edad lang tayo" nakangiting sabi ko.

Nagtatakang tumingin sa kanya ito

"senyorita tama po ba yung narinig ko na ayaw niyo ng tawagin ko kayo ng senyorita?" 

"Ou yun nga sinabi ko..Bakit? 

"Eh kasi maam nagagalit po kayo samin kapag hindi namin kayo tinawag na senyorita"

"Ganun b..ah from  now on  cloe nalang itawag mo sakin..ano nga pala pangalan mo?

" Maria po " magalang na sagot nito, natapos na din nitong ayusin ang damit niya..

" thank's Maria "

" Sige po senyorita...ah este cloe babalik na ko sa kusina, tatawagin ko nalang po kayo pagkakain na"

" Sige salamat ulit "

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon