This chapter is dedicated to Rica Francisco dahil kinuwento sakin ng sister ko na binabasa mo daw tong story ko so this chapter is dedicated to you! hope you like this chapter.
Cerra POV
" Ma'am nandito na po tayo" sabi sakin ng taxi driver.
" Eto po yung bayad, salamat po ulit." paalam ko saka ako bumaba. Pagkababa ko ay bumungad sakin ang isang bahay na may kalumaan na. Dikit-dikit ang mga bahay dito, maraming batang naglalaro. May naghahabulan, may nagpapatintero, may naglalaro ng gagamba at kung anu- ano pang laro.
"Miss anung kailangan nila?" tanung sakin ng matabang babae na nakarolers ang buhok.
" Ah dito po ako pinapunta ng kakilala ko, eto po yung papel na ibinigay niya sakin."sagot ko.
"Ah ikaw pala yung uupa dito. May pumunta ngang lalaki dito kanina. Inupahan yung isang kwarto sinabi nga niyang may pupuntang babae dito na siyang gagamit sa kwarto." sagot ng matanda, sa tingin ko siya yung may ari ng bahay.
"Ah opo" sang ayon ko kahit wala naman akong alam sa sinabi niya. Mukang pinagplanuhang mabuti into ni Cloe dahil nagawa nitong umupa ng bahay na matitirhan ko. Malayo pa ito sa bahay nila Lance.
" Ano halika na sa loob para makita mo yung tutuluyan mo" Maya sakin nito. Ay oo nga pala di pa pala ako nakakapagpakilala sayo, ako nga pala si Matilda pero Aling Tilda nalang ang itawag mo sakin." nakangiting sabi nito.
"Ako po si Cerra Aling Tilda" sagot ko.
"Cerra halika na sa loob" aya nito sakin. kaya napilitan na kong sumunod sa kanya
"Sandali lang bat wala kang dalang gamit, naku mukang naiwan mo pa yata yung gamit mo sa taxi" nag aalalang sabi ni Aling Tilda.
"Naku wala po talaga kong dalang gamit nung pumunta ko dito" naka ngiwing sabi ko. Ngayon ko lang ulit naalalang hindi nga pala ko nkapag dala ng damit sa pag alis ko.
"Ganun ba, hindi ka naman siguro naglayas sa inyo?"
"Naku hindi po" mabilis na tanggi ko.