Chapter 7

4.1K 82 2
                                    

NAkakuha ng tamang pagkakataon si Cerra na umalis sa bahay nila Lance. Si Lance at donya Martina ay nasa company nila. Habang si Lexie naman ay nasa school. ang mga kasambahay nila Lance ay busy sa gawaing bahay..Kaya walang nakakita sa kanya ng lumabas siya sa malaking bahay. Dahan-dahan siyang lumabas ng gate saka siya pumara ng taxi at nagpahatid sa address kung saan siya pinapupunta ng tiya niya.

"Ay maam sigurado po ba kayong eto yung address na pupuntahan niyo"

"Opo sigurado po ako, bakit po? 

"Eh maam nandito na po tayo..bakanteng lote lang po yan" sagot ng driver

"Ha pero bakit ganun, yan yung address na binigay saken"

"Naku maam baka niloko lang kayo nom"

Bat naman ako lolokohin ng tiya ko, nakapgtataka naman"

"Ano maam ibabalik ko nalang po ba kayo sa pinanggalingan natin" tanong ng driver

"Naku hindi po< pakihatid nalang po ako sa terminal ng bus"

"Sige po Maam"

Nakasakay na ko ngayon sa bus papuntang Nueva Ecija sa bahay nila Agatha.Kailangan ko siyang makausap tungkol sa nangyari saken. Pagbaba ko ng bus ay sumakay agad ako ng traysikel.

"Bat mukang walang tao" nagtatakang sabi ko

"Cerra ikaw ba yan" tanong sa kanya ni aling Linda

"Ako nga po ito"

"Ang tagal mong nawala ah!" 

"Ou nga po bakit po parang walang tao sa bahay nila Agatha?

"Naku eh umalis na sila dyan ang pagkakaalam ko ay 1 month silang magbabakasyon sa Singapore...Sa bahay ng ate ni Agatha  sila tumutuloy ngayon. Nanganak na kasi si Amy kaya pinuntahan nila dun. Alam mo naman ang mga yun excited  dahil first baby ni Amy yun" mahabang paliwanag nito

"Ganun po ba" malungkot na sabi niya.

"Eh kamusta ka na ba? Nakita mo na ba yung nanay mo?

"Hindi pa nga po eh"

"Eh san ka tutuloy ngayon niyan? tanong nito

Hindi ako nakasagot,,saan nga ba? wala pala kong mapupuntahan..

"Kung gusto mo samin ka nalang muna tumuloy" anyaya nito sa kanya

"Naku! Hindi na po< sa isang kakilala ko nalang po ako tutuloy" tanggi ko kahit  ang totoo eh wla naman talaga akong mapupuntahan. Maliit lang ang bahay nila Aling Linda saka duon pa nakatira ang mga anak nito kahit na yung may mga asawa na..Ayaw niyang makasiksik pa sa mga ito.

"Ganun ba o sige akoy aalis na mamimili pa ko sa palengke" paalam nito sa kanya

"Sige po, Ingat kayo"

Naiwan nalang ako sa harap ng bahay nila Agatha ..." Haay san kaya ako pupunta?

&quot;Mistaken Identity&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon