Lance POV
Nandito na ko ngayon sa opisina ko, naihatid ko naman ng maayos si Cloe ah...este si Cerra pala.
"Hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang hindi siya si Cloe. Magkamukang magkamukha kasi sila, sa pag uugali lang siguro sila nagkaiba.
"Haaay ba't ko ba nararamdaman ang pakiramdam nato. Hindi naman siya si Cloe pero bakit pag kasama ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang mas matindi pa ang nararamdaman kong ito kesa sa naramdaman ko dati kay Cloe. Alam kong mali ito dahil may asawa na ko, saka naisip ko din na baka dahil magkamukha sila kaya parang nagugustuhan ko siya. Kailangan ko na talagang makita si Cloe para masagot na ang mga katanungan ko.
"Eh pano pag nalaman mong hindi mo na gusto si Cloe, hihiwalayan mo ba siya para kay Cerra" tanong sakin ng isip ko.
"Ah hindi ko alam" naguguluhang sabi ko.
"Ay sir may problema po ba?" nag-aalalang tanong sakin ng secretary ko.
"Wala, sumakit lang ang ulo ko" pag dadahilan ko.
"Ganun po ba, gusto niyo po bang pag dala ko kayo dito ng gamot"
"Wag na, kape nalang ang dalin mo dito" utos ko sa kanya.
"Sige" agad na lumabas ang secretary ko at pagbalik nito ay dala na ang hinihingi ko.
"thank you!
"Sige po sir, tawagin niyo nalang po ako pag may kailangan pa kayo.
"Sige!" pagkaalis ng secretary ko ay inumpisahan ko nang basahin ang mga papeles na nasa lamesa ko. Kailangan ko pa itong pag aralan at pirmahan..Mukang gabi na ko makakauwi nito.
..........................................................
Pagka uwi ko nang bahay ay tulog na ang lahat, naisipan kong tingnan si Lexie sa kwarto niya. Naabutan kong mahimbing na itong natutulog, katabi nito si Cerra. Nilapitan ko si Lexie.
"Sorry lexie kung ngayon lang ako nakauwi, hindi tuloy kita nasabayang kumain ng hapunan" bulong ko sa anak ko saka ko siya hinalikan sa noo. Si Cerra naman ang nilapitan ko saka ko siya tiningnan..
"Ang ganda niya talaga kahit natutulog siya" wala sa loob na nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.
"Ay anu ba yung ginawa ko? Ba't ko ba siya hinalikan. Naku mukang dahil lang sa antok toh!
"Lance anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Cerra na di ko napansin na gising na pala.
"Kanina kapa ba gising?" nag aalalang tanong ko
"Kagigising ko lang, bakit?
"Ah wala,,gigisingin na sana kita para lumipat kana sa kwarto mo" sagot ko. Buti nalang at nakaisip agad ako nang dahilan.
"Ganun ba, pasensya na pinatutulog ko na kasi si lexie hindi ko namalayan na nakatulog narin pala ko dito"
"Okey lang lumipat kana sa kwarto mo" utos ko sa kanya
"Oo sige" sagot niya saka tumayo.
"Halika na sa kwarto"
"Ha?" gulat na tumingin siya sakin
"Sabi ko, halika na ihahatid na kita sa kwarto mo" sagot ko.."Ano bang pagkakarinig mo sa sinabi ko?
"Wala...wala..Hahaha tara na nga" natatarantang sabi ni Cerra. agad siya nitong nilagpasan
Nagtatakang tiningnan ko nalang siya. Isinara ko na ang pinto at sinundan ko si Cerra.
"Ah sige matutulog na ko ulit..Good night" nagmamadaling sabi ni Cerra sa akin saka pumasok at pinagsarahan ako ng pinto.
"Anong problema non?" nagtatakang tanong ko saka ko tinungo ang kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/9771166-288-k759598.jpg)