Chapter 38

3.1K 53 4
                                    

Cerra POV

Flashback na po ito.

Isang buwan narin akong nagtatrabaho sa pinagtatrabahuhan ni Rose. Gamay ko na ang pagtitinda.

"Cerra ok kalang ba?" nag aalalang tanong ni Rose.

" Oo ok lang ako, medyo nahilo lang ako." sagot ko saka ako umupo.

"Mukang napapadalas na yang pagkahilo mo ah!"

"Oo nga eh, dahil siguro sa pagod, dagsa kasi yung customer ngayon dahil magpapasko."

"Oo nga pero mukang iba na yan, diba sabi mo nga tuwing umaga nagsusuka ka?"

"Ha oo nga, anu sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?" clueless na tanong ko kay Rose.

"Cerra mabuti pa bago tayo pumasok bukas eh dumaan muna tayo sa clinic."

"Ha? ano naman ang gagawin natin don?"nagtataka paring tanong ko.

"May hinala na kasi ako sa nangyayari sayo kaya lang mas mabuti paring makasiguro tayo."

"Sa tingin mo ba may sakit ako?" nag aalalang sabi ko.

"Wala noh! hindi yan ang hinala ko."

"Eh ano yon?".   

"Sa tingin ko buntis ka" prankang sagot ni Rose.

Nabingi yata ako sa sinabi niya, maaari nga kayang tama ang hinala niya. Buntis nga kaya ako?

" Oh namutla kana dyan mabuti pa mag pahinga ka muna dyan, ako nalang muna ang mag a assist sa customer" sabi ni Rose saka pinuntahan yung mga bagong dating na mamimili.

Tulala parin ako sa sinabi ni Rose, napahawak ako sa impis ko pang tiyan. Totoo nga kayang may baby nang nabubuo sa tiyan ko. Magkakaanak na nga kaya kami ni Lance.

     Nasagot ang tanong ko ng mag pacheck up ako kasama si Rose. Totoo nga ang hinala nito, buntis nga ako.

" Ano nang balak mo ngayon?" tanong sakin ni Rose.

" Pupuntahan ko si Lance sa kanila, karapatan niyang malaman na magkakaanak na siya ulit." final na sabi ko.

"Good decision yan, tama nga na ipaalam mo sa kanya ang tungkol sa pinagbubuntis mo. Mabuti pa wag ka munang pumasok ngayon ipagpapaalam nalang muna kita kay Ma'am."

" Sige salamat, aalis na ko." paalam ko.

"Sige mag ingat ka, balitaan mo ko ha!"

"Oo sige" sabi ko saka ako sumakay sa taxi.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Lance, sakto namang paghinto ng kotse ni Lance. Naunang lumabas si Lance saka pinagbuksan ang pinto si Cloe. Agad namang kumapit at yumakap si Cloe kay Lance pagkababa nito ng sasakyan. Bumaba rin mula sa kotse si Lexie na mukang masayang masaya ito dahil nagkabati na ang kanyang mga magulang.

Lumuluhang tinanaw ko sila, hanggang makapasok sila sa loob ng bahay. Mukang masayang masaya sila, larawan sila ng isang masayang pamilya. Mukang ako lamang talaga ang pang gulo sa kanila.

Dahan-dahan kong hinimas ang tiyan ko saka ako bumulong.

"Pasensya na anak kung hindi mo na makikita pa ang daddy no, hindi ko naman ginustong mawalan ka ng ama. Pero kahit ganun hindi ko hahayaang lumaki kang kulang sa pagmamahal. Kahit wala ang daddy mo nandito naman ako, mamahalin kits at hindi kita pababayaan.

"Ma'am hindi pa po ba kayo bababa?" tanong ng driver saka ako nilingon. " Aaaay Ma'am bat kayo umiiyak?"

"Wala lang po ito manong, maaari po bang ihatid niyo ko sa kahit saang mall na malapit dito?"

"Sige Ma'am"

Agad akong bumaba ng makarating kami sa Mall.

"Eto po yung bayad, salamat Manong!"

"Sige Ma'am" sabi ng driver saka umalis.

Agad akong pumasok sa loob, Maglilibot libot muna ko para kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko. Alam kong masama sa buntis ang ma stress kaya kailangan kong pagaanin ang kalooban ko. Napakadaming pamilya ang masayang nagsha-shopping, may inggit akong naramdaman ng makita ko ang babaeng buntis na inaalalayan ng asawa niya.

Napaka swerte naman ng babaeng yon dahil kasama niya ang ama ng anak niya. Hindi katulad ko na nag iisa lang at kahit kailan ay hindi makakasama si Lance. Unti-unti na namang tumulo ang luha ko.

"Anu ba yan luha, pwede ba tumigil kana baka makasama pa to sa baby ko eh!" bulong ko habang pinupunasan ang pisnge ko.

Nagtitinginan na ang mga taong nakakasalubong ko, nagtataka siguro sila dahil umiiyak ako. Pilit kong pinatahan ang sarili ko saka ako pumunta sa WOF o world of Fun, naisipan kong panuorin ang mga naglalaro duon.

Ilang minuto rin akong nagtagal doon saka ko naisipang kumain, parang gusto kong kumain ng siomai sa master siomai. Yung pork and shrimp nila saka yung maanghang nilang chili.

Hmmm naiisip ko palang parang naglalaway na ko. Agad akong pumunta kung saan nakapwesto yung stall nila saka ako bumili ng siomai, dalawang order ang binili ko.

"Hmmmm ang sarap naman!" bulong ko, tamang-tama lang kasi yung pagkakaluto hindi siya over cook.

Masayang kinain ko ang siomai na inorder ko. Nang matapos ay nag ikot-ikot ako nang biglang may mabunggo ako.

"Aaaay sorry po" hinging paumanhin ko saka ko tinulungang tumayo yung ale.

"Anak!" masayang sabi nito saka ako niyakap.

"Nakupo, nagkakamali po kayo hindi po ako ang anak niyo." naiilang na sabi ko.

"Hindi ako pwedeng magkamali anak,  ikaw ang anak ko na matagal ko ng hinahanap." mangiyak-ngiyak na sabi nito.

Tinitigan ko ito at napansin ko ang pagkakahawig namin. Totoo nga kayang siya ang nanay ko.

"Anak matagal kitang hinanap, hinanap ko kayo ni ate pero wala na kayo sa dating tinitirhan niyo. Gabi-gabi kong pinagdadasal sa panginoon na makita kang muli anak. Salamat sa diyos at pinahintulutan niyang magkita tayo." sabi nito habang hawak ang kamay ko. " Hindi kaba naniniwala anak?"

" Hindi po sa ganun kaya lang po hindi naman mawawala sakin yung mag alinlangan lalo na't kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang nanay ko. Saka pano niyo po nalaman na ako ang anak niyo?

" Nang makita ko ang mukha mo ay nalaman ko kaagad na ikaw yan Cerra. Ganyan na ganyan din kasi ang itsura ko noon nang nasa ganyang edad ako. Saka hindi pwedeng magkamali ang lukso ng dugo. Pero kung hindi ka parin naniniwala ay magpa DNA tayo para makasigurado ka na totoo ang sinasabi ko."

"Naku hindi na po naniniwala na po ako sa inyo, saka tama po kayo Cerra nga po ang pangalan ko

"Kahit na mabuti paring magpa DNA tayo para sa ikapapayapa ng kalooban mo. Halika sa hospital magpa DNA na tayong dalawa, saka ikukwento ko narin sayo habang daan kung panu tayo nagkalayo." aya sakin nito.

" Ah sige po!"

End of chapter 38.

A/N:

Next update po yung karugtong!

Vote!

Comment!

Be a fan!

...........sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon