Epilogue

5.5K 112 9
                                    

            

            Ilang taon narin ang lumipas buhat ng kidnapin ako ng pinsan ko. Ngayon masaya na ko kapiling ang mahal kong asawa na si Lance. Yes kasal na po kami, sorry kung hindi ko kayo ininvite simpleng kasalan lang kasi ang hiningi ko kay Lance, tanging mga malalapit na kaibigan lang ang invited. Pero kahit ganun masaya padin naman ang naging kasal namin. Wala naman kasi sa bongga yun ang mahalaga nagmamahalan kaming dalawa.

          

            Nalaman na nga rin pala ni Lexie ang ginawa ng mommy niya kaya nung una ay iyak siya ng iyak, naaalala ko pa yung araw na yun.

 



*flashback*


"Tita sorry po hindi ko po alam na magagawa yun ni mommy."umiiyak na sabi ni Lexie.



"Ok lang, wag ka ng umiyak."


"Tita makukulong po ba ang mommy ko?"



Huminga muna ko ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya.


"Oo Lexie kailangan niya kasing pagbayaran ang mga nagawa niya."malungkot na sabi ko. "Pero wag kang mag alala pwede mo namang dalawin ang mommy mo. Kung gusto mo sasamahan pa kita."nakangiting mungkahi ko.


"Talaga tita?"



"Oo naman noh!"sagot ko saka ko siya niyakap.



"Thank's tita, tita bakit ang bait mo parin sakin kahit ginawan ka ng masama ni mommy?"



"Kasi parang anak narin kita kaya hindi ko kayang magalit sayo saka wala ka namang kasalanan sakin kaya bat ako magagalit sayo."nakangiting wika ko.



"Ganun po ba salamat tita."sagot ni Lexie saka ginantihan ang yakap ko.



"Pano mo nga pala nalaman ang ginawa ng mommy mo?"di ko na pigilang itanong nagtataka kasi ako kung pano niya nalaman yon. Eh ang kabilin ko kila nanay ay wag munang sabihin yon kay Lexie.



"Ang totoo po niyan tita narinig ko po yung pag uusap niyo nila lola nung gabing dumating kayo."nakayukong sagot nito.



"Pero diba natutulog kayo non ni Cassey sa taas?"




"Opo pero nagising po ako non dahil nauuhaw ako saka nag aalala din ako sa inyo dahil di ka sinipot ni daddy sa kasal niyo. Nung time ko lang po nayun nalaman ang lahat. Sensya na po tita kung ngayun ko lang sinabi na alam ko na ang lahat, natakot po kasi ako."mangiyak-ngiyak na sagot ni Lexie. Muli ko siyang niyakap ngayon alam ko na kung bakit umiiwas sakin si Lexie.



"Wag mo ng isipin yon Lexie, nagkamali lang ang  mommy mo hindi mo kasalanan yon."pagpapatahan ko sa kanya.



*End of flashback*



"Tita Mommy tinatawag na po tayo ni daddy."untag sakin ni Lexie.


"Ah ok wait lang inaayos ko lang tong baon natin."sagot ko saka ko nilagay yung mga plastic container sa basket.



"Tulungan na kita tita."sagot ni Ace na kasama ni Lexie.



"Sige medyo mabigat nga ito."sagot ko saka ko inabot sa kanya.



"Naku kasipsip mo naman."na wika ni Lexie sa manliligaw.



"Hindi ako sumisipsip talagang mabait lang ako."nakangiting sabi ni Ace saka kinindatan si Lexie.


"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon