Chapter 36

3.2K 58 3
                                    

This chapter is dedicated to anndazal.

Lance POV

    Nandito ko ngayon sa Mall kasama ko si Cloe at Lexie. Inaya nila ko dun dahil naisipan nilang mag shopping. Pinauna ko muna sila sa shop na lagi nilang binibilan. Naiihi na kasi ako kaya dun ako dumiretso sa Men's Room. Pag katapos kong mag cr ay lumabas na ko.

Babalikan ko na sana sila Lexie pero may nakaagaw nang pansin ko. May babae akong makakasalubong, at hindi ako pwedeng magkamali ng tingin si Cerra yon, lalapitan ko na sana siya kaya lang bigla siyang nagtatakbo.

"Cerra!" tawag ko.

Lahat ng nakakasalubong ko ay nagtatakang tumingin sakin.

"Cerra" tawag kong muli habang tumatakbo ako, nakita kong gumawi si Cerra sa maraming tao.

"Excuse lang po" sabi ko habang nakikiraan ako sa mga tao. Cerra" tawag ko pero hindi parin siya lumilingon.

"Ooooops sorry Miss" sabi ko ng may mabunggo ako.

"Ano ba yan, bat ba kasi di tumatakbo ka eh mall to, hindi naman to playground." mataray na sabi ng babae. Dahan-dahan itong tumayo saka tumingin sakin.

"Sorry Miss di ko sinasadya, may hinahabol lang kasi ako." paliwanag ko.

"Ok lang yun pogi" pacute na sabi ng babae na para bang hindi niya ko tinarayan kanina.

"Pasensya na talaga Miss." sabi ko saka ko hinanap ng tanaw si Cerra pero bigla itong nawala.

"Pogi sino hinahanap mo?" feeling close na tanong ng babaeng nabunggo ko.

Nginitian ko lang siya saka ako umalis.

"San kaya pumunta yon? Ano ba yan Cerra bat mo ko tinakasan? Apat na taon na kitang hinahanap pero ngayon nalang ulit kita nakita." naguguluhang tanong ko. Sinagot ko ang cp ko ng bigla itong tumunog.

"Hello"

"Dad where are you?" tanong ni Lexie.

" Papunta na ko diyan" napipilitang sabi ko saka ko ginala muli ang tingin ko sa paligid.Pero hindi ko na talaga nakita maski anino ni Cerra.

" Kung inaakala mo na matatakasan mo ko, nagkakamali ka dahil di ko hahayaang mawala kang muli Cerra.  Kahit halughugin ko pa ang buong Maynila gagawin ko basta makita lang kita" bulong ko saka ko pinuntahan sila Lexie.

"Dad bat ang tagal mo namang mag cr!" reklamo ni Lexie.

"May nakita kasi ako"

" Sino naman ang nakita mo?" tanong ni Cloe.

"Si Cerra nakita ko siya" sagot ko.

"Hah?" bumadha ang gulat sa mukha ni Cloe.

" Talaga Daddy? nasan na siya?" excited na sabi ni Lexie.

"Bigla siyang nawala, hindi ko siya nakausap?" nanghihinayang na  sabi ko.

"Baka naman hindi siya yon!" singit ni Lexie.

"Sigurado ko na siya yung nakita ko."

"Baka naman kamukha lang niya yon, kami nga magkamukha diba! Baka may kamukha pa kaming iba hindi naman maiiwasan yon eh!" mariing sabi ni Cloe.

" Hindi e! siya talaga yong nakita ko"

"Kung siya yon edi dapat kinausap ka niya, sabi mo nga bigla siyang nawala, ibig sabihin lang non eh hindi siya yon no!" maarteng sabi ni Cloe.

"Oo nga Dad hindi naman magagawa ni Tita Cerra na takbuhan ka!" sang ayon ni Lexie.

" Buti pa Lance, bayaran mo na yung napili namin para makalipat na tayo ng ibang boutique" pag iiba ni Cloe sa usapan.

"Oo nga Dad may nakita kaming bagong dress dun, ang ganda sigurado bagay sakin yon." pakikay na sabi ni Lexie.

"Oh sige babayaran ko na yang napili niyo, antayin niyo nalang ako sa labas." sang ayon ko saka ko binayaran yung mga napili nila.

............................................

Cloe POV

    Nagulat ako sa sinabi ni Lance na nakita niya si Cerra, hindi pwedeng mangyari yon, hindi pwedeng magkita silang muli ni Lance dahil hanggang ngayon e hindi parin kami nag kakabalikan ni Lance. Hanggang ngayon si Cerra parin ang mahal niya kaya pag asang magkabalikan sila at mawala ako sa eksena. Yon ang hindi ko papayagan mangyari.

Ako ang bida sa  kwentong to hindi si Cerra, isa lamang siyang extra sa kwentong to kaya di ko papayagang maagaw niya ang lalaking para sakin. Over my dead beautiful and sexy body.

Okey naman na kami ni Lance civil kami sa isa't-sa. Pumupunta ko ng madalas sa kanila, gusto ko na ngang dun na ulit tumira pero hindi ko matagalan ang katarayan ng Mama ni Lance. Lagi niya nalang pinamumuka sakin ang naging kasalanan ko kay Lance.

" Mommy may problema ba?" tanong sakin ni Lexie. Pauwi na kami ngayon, si Lance ang nag dadrive ng kotse.

"Wala"

"Dun kaba matutulog sa bahay Mommy?"

"Hindi na muna siguro, dun muna ko sa bahay ng Lola mo matutulog" sagot ko na ang tinutukoy ay ang mother ko.

"Ganun po ba, Dad ihatid nalang natin si Mommy."

"Oh sige" kiming sagot ni Lance habang nagda-drive. Kanina ko pa napapansin ang pananahimik nito na tila ba kay lalim ng iniisip. Mukang hindi ito naniwala sa sinabi kong hindi si Cerra ang nakita niya. Kailangan ko na talagang kumilos ng mabilis bago pa mahuli ang lahat.

"Oh Cloe bat umuwi ka dito? diba sabi mo dun ka kila Lance matutulog ngayon?"tanong sakin ni Mama nang mapagbuksan niya ko ng pinto.

"May problema tayo Ma!" agad na sabi ko.

"Ha anong problema?"

"Nakita ni Lance si Cerra kanina sa Mall, at may hinala akong hahanapin niya itong muli."

" Edi ba sabi mo pinalayo muna siya?"

" Oo pero hindi ko alam kung umalis na siya dun"

"Mabuti pa pumunta tayo don para malaman natin" suhestiyon ni Mama.

"Ma hindi ako pwedeng pumunta don, sigurado magtataka sila pag nakitang magkamukha kami"

"Eh anong gagawin natin?"

"Kausapin niyo yung inutusan natin dati sa paghahanap ng matitirhan ni Cerra, patingnan niyo kung nandun pa siya hanggang ngayon."

"Oh sige kakausapin ko yung kakilala ko. Kaya lang anak pano pag nalaman nating wala na siya don?

" Ma wag mo kong takutin okay!" naiinis na sabi ko.

"Anak sinasabi ko lang naman yung pwedeng magyari."

" Kung mangyari mang wala na siya don, edi hahanapin natin siya saka tatakutin ko ulit siya kung kinakailangan. Basta dapat Ma, mauna natin siyang makita kesa si Lance ang makakita sa kanya." determinadong sabi ko. Hindi ko hahayaang magkita silang muli, kami ni Lance ang para sa isat isa at walang Cerra na makakaagaw sa kanya.

.. End of Chapter 36!

A/N:

Ayan ha dalawang update ang ginawa ko ngayon, baka next week pa po yung susunod na update!

Vote!

Comment!

Be a fan!

.......... sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon