Chapter 18

3.6K 86 4
                                    

This chapter is dedicated sa aking magandang pinsan, dahil sinusuportahan nya itong story kong to, so cousin camille this chapter is for you....

Happy reading"!

.

Donya Martina

" Lance totoo ba yung narinig ko sa mga katulong na pinalipat mo sa kwarto mo ang gamit ni Cerra?" agad kong tanong kay Lance.

Kadarating ko lang galing sa Spa nang marinig kong pinag uusapan yun ng mga katulong.

"Yes Ma"

"Anak! Baka nakakalimutan mong hindi siya ang asawa no?"mariing paalala ko kay Lance

"Hindi ko naman nakakalimutan yun Ma."

"Eh kung ganun bat mo siya gustong makasama sa iisang kwarto? Anak magkakasala ka sa diyos sa gagawin mo. Oo nga at si Cloe ang naunang nagloko sa inyo pero hindi mo siya dapat gayahin anak.

" Ma wala naman kaming gagawing masama ni Cerra, gusto ko lang siyang makasama sa kwarto." Paliwanag ni Lance.

" Kahit na! Alam ko at nararamdaman ko na may gusto kana kay Cerra. Anak hindi siya ang asawa mo, magkamukha lang sila pero hindi siya si Cloe . Kaya anak kalimutan mo nalang ang nararamdaman mo sa kanya. Saka maaaring awa lang yang nararamdaman mo sa kanya.

"No Ma, mahal ko siya at hindi awa tong nararamdaman ko. I know Ma na may asawa ako pero hindi naman ibig sabihin nun e habang buhay na kong magpapakatanga sa kanya. Niloko niya ko kaya dapat lang na hiwalayan ko siya." mariing sabi ni Lance.

" Anak baka naman dahil galit kalang kay Cloe kaya mo ibinaling kay Cerra ang nararamdaman mo Kay Cloe?

"No Ma, iba to sa naramdaman ko dati kay Cloe , mas matindi to kesa sun kaya please Ma hayaan niyo nalang ako wag niyo na kong pigilan" pakiusap niya sakin.

"Hindi kita pipigilan kung yan ang gusto mo pero Lance, pano pag dumating na ang tunay na asawa mo? Anong gagawin mo?" Nag aalalang tanong ko.

.

" I just cross the bridge when i get there Ma, kaya wag ka nang mag alala."

"Pasensya na anak, hindi kasi mawala yung pag aalala ko sayo bilang ina mo" sabi ko sa kanya." Matanong kita Lance aaminin mo na ba kay Cerra na matagal mo nang alam ang lihim niya o magkukunwari ka parin na walang alam?" curious kong tanong sa kanya.

"Hindi muna siguro Ma, siguro in the right time aaminin ko din sa kanya na alam ko na pero hindi muna ngayon, baka iwasan niya ko o di kaya ay umalis na siya dito. Hindi ko kakayanin yun Ma." buong katapatan niyang sagot sakin.

Nginitian ko siya" Ang hiling ko lang anak ay hindi ka sana masaktan sa bandang huli."

" Thank sa concern Ma,"

" Your welcome son, o sige na lalabas na ko at uutusan ko sila manang na magluto ng masarap" paalam ko kay Lance saka ako lumabas ng library.

........ ...................

A/N:

Next time ko nalang po ipopost yung kadugtong nito pag nag katime ako. Hope you like my story...

Wag pong kalimutang mag......

Vote!

Comment!

Follow niyo din po ako......

...........................................

sarahjoy 00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon