Chapter 26

3.6K 82 4
                                    

   This update is dedicated to sushibar, dapat nung last chapter ko pa siya na dedicatan kaya lang nakalimutan ko, kaya ngaun nalang...so sushibar this chapter is dedicated to you, hope you like this chapter.

Happy Reading!

Cerra POV

       Ngayong gabi na ang party ni Lance. Medyo kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil madaming bisita ang imbitado, iba't ibang mukha ang makikita ko mamaya.

knock! knock! knock!

" Sandali lang" sabi ko saka ko binuksan ang pinto.

" Hi!" magkasabay na bati  sakin nila Cecille at Camille.

"Hello" nakangiting bati ko sa kanila.

" Your so pretty talaga bumagay sayo yung gown na dinesign ko." puri ni Camille. "Ano sa tingin mo Cecille?"

" Oo nga siguradong mas maiinlove sayo niyan si Lance pag nakita ka niya"

" Hindi naman" tanggi ko, nakakahiya naman kung puriin naman nila ko e parang ang ganda-ganda ko, mas maganda nga sila sakin eh!

" Mabuti pa bumaba na tayo, mag uumpisa na ang party." aya samin ni Cecille.

" Oh sige mauna na kayo susunod nalang ako"

" Geh hintayin kana lang namin sa baba" sabi naman ni Camille.

.." Ano ba yan natetense ako, first time ko kasing dadalo sa party ng mayayaman.

" Inhale...Exhale...kaya ko to! Ajah" pagpapalakas ko sa sarili ko saka ako lumabas. Nakasalubong ko si Lexie.

" Mom ang tagal mo ikaw nalang ang kulang" reklamo ni Lexie.

" Pasensya na nag ayos pa kasi ako" sagot ko.

" Halika na Mommy kanina kapa hinahanap ni Daddy" aya sakin ni Lexie.

      Nang makababa kami ay madami na ngang tao.

" Mommy ayun si Daddy oh!" sabi ni Lexie saka tinuro si Lance na kasalukuyang may mga kausap sa tingin ko ay mga businessman din na katulad ni Lance.

Awtomatikong tumingin naman si Lance sa amin na tila naramdamang nakatingin kami sa kanya. Kinausap saglit ni Lance ang mga kasama niya saka siya lumapit samin.

"You look stunning " puri sakin ni Lance habang nakatitig sakin.

" Thank!" naiilang kong sabi.

" Dad ako ba, mukha na po ba kong princesa sa ayos ko" singit na tanong ni Lexie.

"Oo naman baby, kahit hindi ka naman magsuot niyan, princesa ka parin namin."

" Dad hindi na po ako baby"

" Lexie baby kapa noh! wag mo munang gustuhing tumanda ok. I-enjoy mo muna yung pag ka bata mo"

         Nangingiti ko nalang silang tiningnan, mukang umiiral na naman ang pagka strick ni Lance. May lumapit saming waiter.

"Sir Lance pinatatawag na po kayo ni Madam" imporma niya samin.

" Ganun ba, sige bumalik kana sa ginagawa mo" sagot ni Lance saka hinawakan ang kamay ko. " Halika na!" aya niya sakin.

          Marahan akong tumango saka ko hinawakan ang kamay ni Lexie para sabay-sabay na kaming pumunta sa stage kung saan nakatayo ang mama ni Lance. Lahat nang madaanan namin ay samin nakatingin kaya naiilang ako.

" Jusko po, wag po sana kong magkamali sa kilos ko dito, marami nang matang nakatingin sakin baka mamaya may isa sa kanilang makahalata na hindi ako si Cloe" naisip ko.

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon