This update is dedicated to neko13 dahil nag like at nag comment siya sa previous chapter. Thank you neko13!
Cerra POV
"Lance gusto kong malaman kung kelan mo pa nalaman na hindi ako ang asawa mo"kinakabahang sabi ko kay lance. Nandito kami ngayon sa garden, kasama namin kanina si Lexie pero pumasok ito sa loob ng bahay dahil pinatawag ito ng mama ni Lance. Buhat ng dumating galing sa hospital ang Mama ni Lance ay ngayon lang sila nagkausap ng sarilinan.
"Kailangan mo pa bang malaman yon?
"Ou Lance gusto kong malaman kaya please sabihin mo na? determinado kong sabi sa kanya. Magsasalita na sana ito ng biglang.......
"Well, well, well, well!! kasama mo pala ang impostor" sabi ni Cloe, hindi ko na pansin ang pagdating niya. Sinampal nya ko ng ubod ng lakas, medyo na tulig ako sa ginawa nya pero mas masakit ang pinaintindi sakin ni Cloe. Na malandi ako at asawa nya si Lance. Kahit kelan ay hindi ko ginustong maging kabit at makasira ng isang buong pamilya. Alam niyo readers napakasakit ma inlove sa isang taong alam mong kahit kelan hindi mapapasayo. Nang yari na ba sa inyo yon kasi ngayon lang nangyari sakin toh!
"Ano na desisyon mo? untag sakin ni Cloe.
"Ah!" huminga muna ko ng malalim bago ko nagdesisyon.
"Sige aalis na ko pero pwede bang magpaalam muna ko sa kanila" sabi ko sana pumayag siya.
"Hindi pwede" mabilis na sabi nito.
"Kahit kay Lexie lang plz." pagsusumamo ko gusto ko kasing makapagsorry kay lexie. Kahit wag na kay lance dahil ayaw namang pumayag ni Cloe.
"Hindi nga pwede, hindi mo manlang ba naisip na galit siya sayo at ayaw ka na niyang makita pagkatapos niyang malaman ang katotohanan"mariing sabi ni Cloe.
"Ou nga pala, kung ganun sige aalis na ko ayoko namang makagulo pa dito".
"Good! mabuti naman at naisip mo yan" sagot nito."Ou nga pala may matitirhan ka ba pag alis mo dito? tanong niya sakin.
"Ah!...." aaminin ko ba sa kanya na wala na kong mapupuntahan" tanong ng isip ko.