This update is dedicated to my cousin Cecille Bunag :)
Happy reading!!!
Lexie POV
"Bakit mo kinausap yung lola ko kahapon?" tanong ko kay Ace
"Wala gusto ko lang, bakit masama ba?" ganting tanong sakin ni Ace.
"Oo!" sagot ko.
"Eh bakit naman naging masama yon?"
"Eh pano akala nila Lola may crush ako sayo. Eh wala naman" namumulang sabi ko.
"Weh di nga? eh mukang may crush ka sakin" nakangising sabi ni Ace
"Wala kaya!" tanggi ko.
"Ui si Lexie my crush saken!" panunukso nito sakin
"Wala nga sabi ang kulit mo!
"Hmmm ayaw mo pa kasing umamin....ui mga classmate may crush sakin si..........."hindi ko na pinatapos si Ace sa pagsasalita, ibinato ko na sa kanya ang librong hawak ko.
"I HATE YOU!" sabi ko habang umiiyak.
"Ui sorry na Lexie, binibiro lang naman kita eh!"
Tinangka akong lapitan ni Ace
"Layuan mo nga ako, at wag mo kong kausapin hindi tayo bati!" galit na sabi ko sa kanya.
"Lexie sorry na kasi."pangungulit niya sakin.
Pero hindi ko na siya pinansinn, pinunasan ko nalang ang pisngi ko at naupo sa upuan at nagbasa na lamang ako.
Nang dumating ang teacher namin ay nag klase na kami. Pagkatapos ng klase ay nagpunta kami sa canteen para mag lunch.
Nakaupo na kami at handa nang kumain nang tabihan ako ni Ace at binigyan ako ng chocolate.
"Alisin mo nga yan" inis kong sabi sa kanya
"Lexie sorry na kase.."hindi parin nito tinanggal sa harap niya ang chocolate.
"Ayoko nga niyan eh!"
"Lexie diba favorite mo yan"singit ni Mia.
"Oo nga Lexie, tanggapin mo nalang kasi yung sorry ni Ace kawawa naman yung tao."sabi naman ni Nicole.
"Ah basta ayoko, ayoko sa mga taong mapang asar" inis kong sabi sa kanila saka ako tumayo at iniwan sila." Nakakaasar na talaga yung Ace nayon!" bulong ko
"Lexie sandali lang!" habol sakin ni Ace
"Wag mo nga akong sundan" inis na sabi ko sa kanya saka ko binilisan ang paglalakad.
"Sorry na Lexie! Hindi ko naman gustong galitin ka, nagbibiro lang naman ako"
"Eh bakit ba kasi ayaw mong maniwala sakin na hindi kita crush?" mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Oo na naniniwala na ko Lexie, Promise hindi na kita tutuksuhin"
"Talaga?" paninigurado ko sa kanya.
"Oo promise" pangako ni Ace itinaas pa nito ang kamay na parang nanunumpa.
"Okey" nakangiting sabi ko.
"Ibig sabihin ba niyan bati na tayo?"
"Oo kaya wag mo na ulit-uulitin yun ha!
"Oo" mabilis na sagot ni Ace
"Ano bati na ba kayo?" tanong samin ni Alison
"Oo" magkasabay naming sagot ni Ace
"Mabuti naman, halika na sa canteen ipagpatuloy na natin ang pagkain."aya ni Larra.
"Mabuti pa nga at nagugutom na ko, ito kasing si Ace ang kulit eh eh!" paninisi ko ky Ace..
"Oh baka mag away na naman kayo!" awat samin ni Mia.
"Hindi na noh!" magka sabay naming sabi ni Ace,,,nagkatawanan tuloy kaming lahat.
..................................
sarahjoy00