This chapter is dedicated to mahaderangpretty kasi dinedicate niya sakin ung story niya na Will you wait for me. Basahin niyo din po yung story niya.
Happy Reading!
Cloe POV
" Hi my name is Cloe and I'm the real wife of Lance. Alam kong hinihintay niyo na tong POV ko kaya pagbibigyan ko na kayo.
Nagtataka siguro kayo nang hindi ako nanggulo sa birthday ni Lance. Balak ko sanang i surprise si Lance kaya lang to the last minute ay nagbago ang isip ko. Mas maganda kasi kung kami nalang muna ang magkita kita ayoko namang masaksihan pa yon ng iba. Kaya nga nung pumunta ko dun ay hindi ko na tinuloy ang pagpapakita kay Lance. Hinayaan ko munang magsaya ang impostor na yon bago ko bawiin ang inagaw niya sakin.
Pero hindi ko akalain na magagawa ni Lance na patulan ang babaeng yon. Galit na galit ako ng makita kong kumot lang ang suot ng impostor na yon. Kaya nga sinabunutan ko na siya sayang nga lang at pinigilan ako ni Lance kung hindi niya ko pinigilan siguradong kalbo na ngayon ang babaeng yon. Ang kapal ng mukha niyang patulan ang asawa ko. Lagot talaga siya sakin pag nagkita kaming dalawa.
"Cloe!" tawag sakin ni Lance.
" Hon" agad akong lumapit sa kanya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya para mahalikan ko siya pero lumayo sakin si Lance. " Ano bang problema mo?" inis na sabi ko sa kanya, sinubukan ko siya ulit halikan pero umiwas lang ulit ito.
" Cloe itigil mo nga yan!" sabi sakin ni Lance saka ako pinaupo sa sopa, ito naman ay naupo sa tapat ng inuupuan ko. " Aba at ayaw pa niya kong katabi" inis na bulong ko. Agad akong tumayo para sana tumabi sa kanya pero pinigilan niya ko.
" Cloe mas makabubuti kung diyan ka nalang maupo"
" Pero hon!"
" Wag ka nang mag pero OK, maupo ka nalang diyan." utos niya sakin.
Inis na humalukipkip nalang ako.
" So totoo pala na bumalik na ang babaeng manloloko" matalim na sabi sakin nang mama ni Lance pagkakita niya sakin.
" Oh Ma andyan ka pala!" agad akong tumayo saka umakma akong ibebeso siya.
" Wag mo kong lapitan, hindi ako nakikipagbeso-beso sa isang manlolokong tulad mo." galit na sabi sakin nang Mama ni Lance.
" Ma what are you talking about?" nagtatakang tanong ko.
" Wag kang magkunwaring wala kang alam sa sinasabi ko"
" Ma please wag na po kayong makialam dito" singit ni Lance
" No Lance hindi ako papayag na hindi ako makialam sa usaping ito."
" Ma ano ba kasi yon?" nagtataka parin ako kung ano yung kinagagalit ni Mama.
" At talagang pinanindigan mo nang wala kang alam, ok sige ipapaalala ko sayo. Natatandaan mo ba si Edward na nakasama mo sa London." umpisa nang Mama ni Lance.
Agad na nanlaki ang mata ko. " Alam niyo na" nauutal kong sabi.
" Oo matagal na naming alam ang panloloko mo kay Lance. Na may iba kang lalaking kinakasama sa London. "Akala mo ba hindi namin malalaman yon?" galit parin na patuloy ni Mama.
" So alam niyo na pala eh! Akala ko pa man din hanggang ngayon e wala parin kayong alam." nakataas ang kilay kong sabi. "Akala siguro nang matandang to na matatakot ako sa sinabi niya.
" At ano ang akala mo samin tanga!" galit na sabi ni Mama.
" Oo" mataray kong sabi.
"Aba't..." umamba itong sasampalin ako pero inawat ito ni Lance.