Lance POV
Napangiti ako. " Lilipat din pala nagpapilit pa sakin" bulong ko habang nakatingin kay Cerra .
"She's really beautiful".bulong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Tinanggal ko ang unan na hinarang ni Cerra para mayakap ko siya. Mahal ko na talaga siya.
" I love you Cerra!" sabi ko saka ko siya mabilis hinalikan sa labi.."Good night!" nakatulog akong may ngiti sa labi.
Cerra POV
" Hmmm ang sarap ng naging tulog ko ah!" bulong ko habang nakapikit parin saka ko hinigpitan ang yakap sa unan ko. " Hmmm ba't ang tigas ng unan na toh!"nagtatakang bulong ko. "Saka bakit parang tao yung yakap ko, omg wag sanang magkatotoo ang nabubuong hinala sa utak ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Automatic na nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang niyayakap ko.
"Good Morning!" nakangiting bati niya sakin.
Mabilis pa sa alas kuwatrong humiwalay ako sa kanya.
"Bakit mo ko niyayakap, sabi ko na nga ba at may binabalak kang masama sakin" sumbat ko sa kanya. Saka ko siya pinukpok ng pinukpok ng unan.
"Wait nga lang, wag mo nga akong paluin niyan!" reklamo ni Lance. Agad niyang nilayo sakin yung unan. "Ba't ba kung makaasta diyan eh daig mo pa yung babaing napagsamantalahan."
" Eh totoo naman eh! pinagsamantalahan mo ko habang natutulog ako."mabilis kong sabi sa kanya.
" Anong pinagsamantalahan, wala naman akong ginawa sayo ah!"
"Naku tumanggi kapa eh! kita mong nakayakap kapa sakin ng magising ako."
"sigurado kabang ako ang yumakap sayo?" inis na tanong niya sakin.
"Oo" hindi nag iisip na sabi ko.
"Sigurado ka ba talaga?" tanong ulit sakin ni Lance.
Bigla akong napaisip, siya nga ba ang nakayakap o ako ang nakayakap sa kanya. Isip...isip...isip " My god ako nga pala ang yumakap sa kanya, nakakahiya."
"Ano naaalala mo na ba na ikaw ang yumakap sakin. Ang lakas ng loob mong paluin ako ng unan e ikaw naman yung nakayakap sakin".
Napayuko nalang ako sa kahihiyan.
"Saka sandali lang ha! Cloe baka nakakalimutan mong asawa kita, i have the right to hug you." napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yon. "Kaya wag kang umasta na parang ibang tao ang kasama ko. sabi ni Lance saka ako iniwan. " Mag ayos kana dyan, pagkatapos bumaba kana ng makakain na tayo."
Natulala ako sa sinabi iya. Oo nga pala nandito ako bilang asawa ni Lance at hindi bilang si Cerra. Bat ko ba laging nakakalimutan yon. Naiinis na ginulo ko yung buhok ko. "Ang tanga ko, baka mabuking pa ko nito eh!"inis na bulong ko. Saka ako pumasok sa cr para gawin yung morning ritual ko.
"Kamusta yung tulog mo?"tanong sakin ng mama ni Lance.
"Ah ok naman po" naiilang na sagot ko habang kumakain.
"Mabuti naman, mukang naging maganda nga ang tulog, blooming ka eh!" nakangiting puna nito sakin.
"Ou nga Mommy mas lalo ka ngang gumanda" sang-ayon ni Lexie..
"Hindi naman" nahihiyang sabi ko.
"Di ba dad, ang ganda ni Mommy" baling natanong ni Lexie kay lance.
"Yeah she's beautiful" masuyong sabi ni Lance habang titig na titig sakin.
"Sabi ko sayo Mom eh! maganda ka talaga!"
Nginitian ko nalang si Lexie, naiilang talaga ko sa titig ni Lance.
....................,.....................
Wag niyo pong kalimutang mag....
Vote!
Comment!
Be a fun!
sarahjoy00