Eto po yung nangyari pag katapos ng Flashback ni Cerra.
Cerra POV
" Ngayong alam mo na yung nangyari, sa tingin mo nararapat ko pa bang ipakilala si Cassey kay Lance?" tanong ko ky Rose.
"Hmmm ewan ko Cerra, mabuti pa tanungin mo nalang ang inaanak ko sigurado ko gusto rin niyang makita ang daddy niya. Tamo nga si Hazel ko mas gusto pang kasama ang tatay niya kesa sakin, kainis nga eh!" reklamo ni Rose.
" Hahaha matagal kasing nag abroad ang asawa mo, kaya tama lang na mamiss siya ni Hazel."Natatawang sabi ko.
"Kahit na noh! Ang dalas nilang magka skype ng anak ko tapos pag uwi niya si Hazel parin ang lagi niyang kasama, akala ko pa naman makakapagbonding kaming mag asawa ngayong nandito na siya, kainis hindi rin pala.
" Hahaha edi lumabas din yung totoo, ano ba yan Rose pati ba naman anak mo pinagseselosan mo! sobra na yan ah!
" Eh hindi ko mapigilan, Ewan ko ba naman sakin pati anak ko pinagseselosan ko. Ang gusto ko lang naman kasi masundan na si Hazel, magna nine na siya pero wala parin siyang kapatid, nagsabi nga sakin nung isang araw tinatanong kung kelan daw ba siya magkakaroon ng kapatid.
"Eh yun naman pala e, di trabahuhin niyo na,hehehe.
" Ang problema nga eh wala kaming time na mag kasama pag kasi umuuwi ako pagod na ko, sa linggo naman nag lalaba't naglilinis ako ng bahay kaya di na yata talaga masusundan si Hazel.
"Yun lang pala ang problema mo madali lang solusyunan yon, bibigyan kita ng 1 week na day off enjoyin niyo ang bakasyon mo. Paalagaan mo muna sa Nanay mo si Hazel para makapagsolo kayo ng asawa mo.
" Talaga! Bibigyan mo ko ng 1 week na day off?" di makapaniwalang sabi ni Rose.
" Oo deserving ka namang bigyan non, kaya igrab muna agad.
" Kaya lang hindi kaya kayo mahirapan pag wala ako dito." nag aalalang tanong ni Rose.
" Hindi yan 1 week kalang naman mawawala saka masisipag naman ang mga tauhan natin dito kaya yakang-yaka namin yan. Oo nga pala dun nalang kayo sa resort nil a Agatha magpunta maganda pa don, siguradong maeenjoy niyong dalawa ang view don.
"Oo nga noh! magandang ideya yan ng makita ko naman ang pinagmamalaking resort ni Agatha. Sigurado matutuwa yon kung kasama ka namin.
" Tatawagan ko nalang siya, alam naman niyang hindi pwedeng mawala tayong dalawa sa shop."
"Oh sige, sasabihin ko nalang sa kanya pag hinanap ka niya sakin.
"Cge! Kelan ba kayo aalis?" Tanong ko.
"Hmmm baka sa makalawa nalang, kakausapin ko pa kasi yung sweetheart ko, alam mo naman yun busy sa mga barkada niya, saka kakausapin ko pa rin sila nanay at Hazel tungkol dun."
"Oh sige, iwiwish ko din na sana masundan niyo na si Hazel."
" Sige thank you ha!"
![](https://img.wattpad.com/cover/9771166-288-k759598.jpg)