Chapter 54

3.9K 60 3
                                    

Cerra POV

      Mahigpit akong niyakap ni Lance at hinalikan sa labi.

"Ok kalang ba? Pinag alala mo ko."nag aalalang sabi nito.

"Ok na ko, pano mo nalamang nandito ko?"

"Maupo muna kayo."singit ni Sofie. "Ah mga kuya tara muna sa kusina ng makapagmiryenda, hayaan muna natin silang makapag usap."dagdag nito saka nauna ng pumunta sa kusina, agad namang sumunod ang dalawang pulis.

"Nang tumawag ang babaeng kasama mo sa mga pulis na kasama ko ay agad nilang sinabi sakin na my napulot nga si doktora na babaeng sugatan kaya agad kaming pumunta dito para magbakasakaling ikaw yon."sagot ni Lance ng kaming dalawa nalang ang naiwan sa sala.

"Bakit mo kasama ang mga pulis? Diba dapat nasa reception kana ngayon?"may gumuhit na kirot sa mga mata ko ng naalala ko ang tungkol don, medyo lumayo ako sa kanya.

"Honey hindi natuloy ang kasal."sagot ni Lance saka lumapit sakin.

"Pero bakit?"

"Honey tinatanong pa ba yan? Pano matutuloy ang kasal kung wala kana man don?"

"Ibig sabihin nalaman niyo na hindi ako yung kasakasama niyo nitong mga nakaraang araw?"tanong ko saka ko siya tinitigan sa mga mata.

"Ah ang totoo niyan nagkahinala na ko dahil biglang nag iba yung ugali mo. Sa tingin ko pati ang mga kaibigan mo nagtataka narin sa mga kinikilos mo nitong nakaraan pero naisip ko din na baka dahil lamang a pagod ka sa pag aasikaso ng kasal natin kaya madalas mainit ang ulo mo."umpisa nito.

"Kung ganon pano mo nalaman?"clueless na tanong ko.

"Gabi bago ang kasal natin ay may tumawag na babae sakin, sinabi niya na hindi ikaw ang babaeng kasakasama ko kundi si Cloe. Nung una hindi ako naniwala dahil alam naman natin na wala siya dito sa bansa pero ng sinabi ng babae na nasa peligro ka medyo kinabahan na ko. Naisip ko na wala namang mawawala kung susundin ko ang sinabi ng tumawag na obserbahan ko ang babaeng kasama ko kaya ng gabing yon ay nag matyag ako. Inaya ko siyang lumabas at tinanong ng ng mga bagay bagay na tayo lang ang nakakaalam. Puro nakalimutan na niya ang sagot niya kaya hindi nako nagpahalata na naghihinala na ko sa kanya. Nang minsang may tumawag sa kanya ay nagpaalam siyang magbabanyo kaya sinundan ko siya at base sa narinig ko ay ang mga tauhan niya ang kausap niya. Agad akong bumalik sa table namin at nagkunwaring wala akong narinig.

      "Inaya ko narin siyang umuwi para makagawa na ko ng aksyon bago pa mahuli ang lahat. Nang gabing yon ay kinausap ko na ang kinauukulan para tulungan ako, napagdesisyunan namin na sundan kinabukasan si Cloe dahil wala kaming idea kung san ka nila tinatago. Nang oras ng kasal natin ay hindi ko siya sinipot sa simbahan pero nasa labas lang ako at nag aantay sa gagawin niya.

"Tulad ng inaasahan ay galit na galit siya sa nangyari, sinubukan niya kong tawagan pero bago niya pa gawin yon ay napatay ko na ang cellphone ko. Galit na galit siyang umalis sa simbahan, sinundan namin siya at tama ang hinala namin na don siya sa lugar na pinagtataguan sayo pupunta. Sa tingin ko ay sayo siya gaganti dahil sa hindi ko pagsipot sa kanya kaya kumilos na kami kaagad para mahuli siya at ang mga tauhan niya. Nang mahuli namin sila ay agad ka naming hinanap pero tanging upuan na halatang pinagtalian sayo ang naabutan namin. Honey hindi mo alam kung gano ako nag alala ng hindi kita makita don."may bakas ng pag aalala sa mukha ni Lance habang sinasabi yon. "Pasalamat na nga lang ako at may tumawag na babae at sinabing may napulot siyang babae kaya agad akong sumama sa mga pulis para tiyakin kung ikaw nga yon  at tama ang bulong ng puso ko ikaw nga yon mahal ko."nakangiti ng sabi ni Lance.

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon