Chapter 9

4.2K 87 3
                                    

P O V ni Donya Martina

"Yes son, i talk to detective Santos ipa follow up ko kung anu na ang nangyari sa pina iimbestigahan ko sa kanya" sagot ko kay Lance.

"thank's ma, tawagan niyo ko pag may nalaman na kayo.

"Ok bye"

Nagtataka siguro kayo kung kelan ko pa nalaman na hindi si Cloe ang babaeng kasama namin sa bahay. Ganito kasi yon. Matagal na kong nagtataka sa babaeng kasama namin. May mga ginagawa kasi siyang hindi naman ginagawa ni Cloe. Tulad sa pagkain, masyadong mapili sa pagkain si Cloe, hindi siya kumakain ng pagkaing nakakataba tulad ng rice. 

Hindi rin siya nakikipagkausap sa mga katulong na para bang may mga nakakahawang sakit ang mga ito...Madami pang bagay na hindi ginagawa ni Cloe ang ginagawa niya,,,hindi ko na iisa-isahin pa yon...Sinabi ko na ang mga yon ky Lance pero sinabi niyang dahil lang daw yon sa pagkawala ng memory ni Cloe. Kaya pinag walang bahala ko nalang ang mga hinala ko. Pero isang araw tumawag sakin ang amiga ko at sinabi niyang nakita niya si Cloe sa Italy. Nung una nga daw ay inakala niyang si Lance ang kasama nito. Pero ng tinitigan nitong mabuti ay nakumpirma nitong hindi si lance ang kasama ni Cloe.

Nang malaman ko yon ay mas lalong tumibay ang hinala kong hindi si Cloe ang kasama namin..Agad kong sinabi yon kay Lance. Kung natatandaan niyo pa siguro yung Chapter 4 ay inaya ko si Lance sa Library,, kinausap ko siya tungkol sa mga nalaman ko..Ayaw pa nga niyang maniwala kaya sinabi kong humanap nalang kami ng magaling na detective para maimbestigahan si Cloe at ang babaeng kasama namin sa bahay...hindi siya pumayag, kaya na daw nitong alamin ang totoo.

Pero dahil sa biglaang pagkawala ng babaeng nagpapanggap na si Cloe, pumayag na ang anak ko na ipa background check ko ang babaeng yon.

"Detective ano na ang natuklasan mo? agad kong tanong sa kanya.

"Maam may mga nalaman po ako tungkol sa babaeng pinaiimbestigahan niyo "

"Ano yon?

"Maam nalaman ko pong Cerra Fuentebella ang tunay niyang pangalan. Ulila na siya dahil mula pagka bata ay hindi niya nagisnan ang mga magulang niya. Ang tiya niya saka ang pinsan niya lamang ang nakasama niya ng iwan siya ng kanyang ina..

Pero nalaman ko din na iniwan siya ng kanyang tiya at pinsan. Ang magulang ng kaibigan niya ang kumupkop sa kanya mula nuon." mahabang kwento nito.

"Kung ganun pano nangyaring napunta siya sa dito sa manila? takang tanong ko

"Nalaman ko pong lumuwas siya para hanapin ang nanay niya, pero naaksidente po siya kaya hindi niya ito nahanap.

"Ganun ba, sige salamat  tawagan mo nlang ako pag may nalaman ka pa..Ou nga pala si Cloe naman ang imbestigahan mo"

"Ah sige po maam uumpisahan ko na ang pag iimbestiga." 

"sige "

Agad kong tinawagan si Lance at kinuwento ko sa kanya ang mga nalaman ko.

"Ang pinagtataka ko lang Ma, bakit hanggang ngayon eh nasa bahay parin natain siya?" tanong ni Lance pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

"Baka dahil wala na siyang matitirhan, nalaman ko din kasing nangibang bansa ang pamilyang kumupkop sa kanya pagkatapos niyang umalis...Kaya kahit nagalit ako sa kanya nung una nahalinhan yun ng awa sa kanya..

"Tama ka Ma," sang ayon no Lance.

"Kaya naisip ko na hayaan nalang muna siyang mag panggap na si Cloe. Saka iniisip ko din si Lexie pag pinaalis natin si Cerra siguradong malulungkot siya..napamahal na ang anak mo sa kanya..

"Ah ok ma, pumapayag ako na dito muna siya."

"Tungkol naman kay Cloe pag nalaman kong totoong may kisakasama na siyang iba...sisiguraduhin kong magsisisi siya na naisipan kapa niyang lokohin!" galit na sabi ko

"Ma, hayaan niyo nalang akong mag ayos non."

"Oh sige! " napipilitang sang ayon ko.

"Ma sige na may gagawin pa ko" paalam saken ni Lance

"Ok bye son" malungkot na sabi ko. Alam kong nasasaktan ang anak ko. Mahal na mahal niya si Cloe kaya alam kong masakit sa kanya ang malamang niloloko lang siya nito. Kung magagawa ko nga lang na ibalik ang nakaraan hinding hindi ko papayagan na pakasalan ni Lance si Cloe. Umpisa palang ay hindi ko na siya gusto para sa anak ko..Pero dahil nakita kong mahal na mahal siya ni Lance ay pumayag narin ako.

"Haaay naku, mahal ano bang pwede kong gawin para hindi masaktan ang anak natin" malungkot kong tanong sa namatay kong asawa kahit alam kong hindi niya na ko masasagot.

...............

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon