Chapter 15

3.7K 79 5
                                    

Someone POV

"Sana palagi nalang tayong ganito Edward!" sabi ko sa lalaking katabi ko.

"Kung pwede nga lang sweetheart pero hindi pwede kailangan narin nating umuwi. Ang tagal narin natin dito, saka kailangan ko ng balikan ang trabaho ko."sagot ni Edward sakin saka ako niyakap.

"Hmm my assistant ka naman na pwedeng gumawa nun ah!" inis na sabi ko.

"Sweetheart hindi lang naman ako ang kailangan nang umuwi pati ikaw. Hindi mo ba naiisip ang anak mo?

"Sigurado naman akong naaasikaso siya dun ng daddy niya kaya hindi ako nag aalala."

"Talaga bang wala ka nang paki alam sa anak mo?

"Itigil mo na nga ang kakatanong sakin!" inis na bulyaw ko sa kanya. "Mabuti pa mag bihis kana at kumain nalang tayo sa labas." utos ko sa kanya saka ako tumayo at pinulot ang aking mga damit na nagkalat.

End of POV

................................................................

Donya Martina POV

"Maupo ka" utos ko sa private investigator  na inutusan kong hanapin si Cloe.Nasa coffee shop kami ngayon na malayo sa company ko. Ayokong malaman ni Lance na itinuloy ko parin ang pagpapaimbestiga  kay Cloe.

"Ano my ibabalita kana ba sakin?

"Meron po my mga dala po akong larawan" sagot nito saka ibinigay sakin ang brown envelop.

Agad kong binuksan ang envelop saka ko tiningnan ang mga picture. Picture ito ni Cloe na my kasamang lalaki. Hindi ko siya kilala pero base sa mga picture nato, nasisigurado kong my relasyon silang dalawa.

"So totoo nga palang my ibang lalaki ang babaeng yon. Napaka walangya niya talaga!" galit na sabi ko. "Sino ang lalaking kasama niya?

"Isa po siyang surgeon, nalaman ko pong nag leave siya ng ilang buwan para magtungo sa London kasama si Maam Cloe.

"Pero pano naman siya nakilala ni Cloe?"

"Nalaman ko pong madalas silang magkita sa clinic ng lalaking yon...Hindi ko nga lang po nalaman kong anu yung ginagawa nila dun, ayaw po kasing magsalita ng mga nurse na napagtanungan ko.

"Ganun ba sige galingan mo ang pag iimbestiga sa kanya"

"Masusunod po maam"

"Sige mauuna na ko sayo. Idedeposit ko nalang sa account mo ang bayad sa serbisyo mo."

"Sige po Maam"

Pagkalabas ko sa Coffee Shop nayon ay sumakay na ko agad sa kotse ko.

"San po tayo Maam?" tanong sakin ng driver ko.

"Sa school tayo ni Lexie" sagot ko bigla ko kasing namiss ang apo ko.

Nang makarating kami sa school ni Lexie ay sinundo ko na siya sa room niya. Sakto namang uwian na nila.

"Lola anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo kita" nakangiti kong sagot sa apo ko.

"Talaga lola, sandali lang po kukunin ko lang po yung gamit ko."paalam nito sakin

"Hello po!" bati sakin ng batang lalaking mukang classmate ng apo ko.

"Hello din kaibigan kaba ng apo ko?

"Ah opo" magalang na sagot ng batang lalaki.

"Hoy Ace bat mo kinakausap ang lola ko?" tanong ni Lexie, bitbit na nito ang bag nito.

"So Ace pala ang pangalan mo, kamusta ka?

"Ok naman po ako, kayo po?

"Hoy Ace wag mo na ngang kausapin ang lola ko, Lola alis na po tayo" aya sa akin ng apo ko, na mukang nagmamadali.

"Oh sige! Bye Ace" paalam ko

"Bye din po.

Nasa sasakyan na kami ngayon ni Lexie

"Lexie crush mo ba ang batang yon?

"Po? Naku hindi po lola" tanggi ni Lexie..

"Sigurado ka?"

"Opo lola saka ang pangit po ni Ace kaya hindi ko po siya magugustuhan"

"Pero sa nakita ko kanina, ay gwapo ang batang yon"

"Si Ace po gwapo!...Naku baka namalikmata lang po kayo lola"

"Hahaha ganun ba, Lexie gusto mo bang magmiryenda muna tayo?"

"Ah sige po lola"

...........................

sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon