Chloe POV
" Oh! anak san ka pupunta?"tanong sakin ni Mama nang mapansin niyang gumagayak ako.
"Pupuntahan ko si Lance sa bahay, sigurado kong nandun na siya ngayon"
"Pano ka naman nakakasigurado dyan, edi ba sabi mo sakin dinala ni Lance ang Mama niya sa Hospital"
"Ma kilala ko na ang Mama ni Lance, hate na hate non ang hospital kaya sigurado ko na umuwi na ngayon yon.
"Oh sige mag ingat ka ibalita mo agad sakin kung ano ang napag usapan niyo ni Lance."
"Yes Ma" sagot ko sabay sakay sa kotse. Ilang sandali pa ang lumipas at nasa tapat na ko ng bahay ni Lance.
Nag doorbell ako agad namang may nagbukas sakin.
"Ay Maam Cloe lumabas po pala kayo, pasok po"natatarantang sabi ng guard na nagbukas sakin. Napangiti ako mukang wala siya dito kahapon kaya hindi niya alam ang nangyari.
"Si Sir Lance mo?"tanong ko.
"Po edi po ba magkasama kayo kanina ni Sir kasama niyo pa nga po si Senyorita Lexie sa Garden"nagtatakang sagot nito.
Hindi ko na siya sinagot sa halip ay tuloy tuloy akong pumunta sa garden. Naabutan kong nag uusap si Lance at ang impostor.
"Well, well, well, well! kasama mo pala Lance ang impostor" mataray kong sabi pagkalapit ko sa kanila saka ko sinampal ng ubod ng lakas ang babaing yon.
"Cloe!"galit na sabi sakin ni Lance dinaluhan agad nito ang babaeng impostor. "Bat mo ginawa yon?" tanong niya sakin.
"Tinatanong pa ba yan Lance! Sinampal ko siya dahil ang lakas ng loob niyang magpanggap na ako."
"Pero Cloe hindi mo siya dapat sinampal!"
"Anong hindi, dapat lang sa kanya yan noh! Saka pwede ba Lance bitawan mo yang babaeng yan, wag mo siyang hawakan!"sabi ko saka ko hinila ang buhok ng babaeng yon.
"Cloe itigil mo yan!'galit na sabi ni Lance.
"No kakalbuhin ko tong babaing to"hindi ako nagpaawat sa halip ay mas pinagbutihan ko pa ang pagsabunot. Napansin kong mangiyak-ngiyak na ito. "Hmm dapat lang sa kanya yan"naisip ko habang tuloy-tuloy parin ako sa pagsabunot sa kanya. "Aba at gumaganti kana"gigil na sabi ko nang maramdaman kong gumaganti na siya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/9771166-288-k759598.jpg)